was successfully added to your cart.

Cart

Maganda bang investment ang condo?

By October 30, 2017 Investments

Singapore – Nitong Sabado, October 28, 2017 nagbigay ako ng training in financial literacy sa mga OFWs sa Singapore. Ito ang Ateneo Leadearship and Social Entrepreneurship (ALSE) ptogram na inilalahad every weekend sa Bayanihan Center.

Nakilala ko ang mag-asawang si Teody at si Abby. Katulad ng maraming mga OFWs sa Singapore, sila ay nabentahan ng condominium dahil ayon daw sa kanilang agent, maganda daw itong investment.

Positive cash flow on the first year

Investment ang condominium kung ito ay nagbibigay ng rental income. Upang masabi na ito ay good investment, kinakailangang ang rental income na makukuha dito, sa unang taon, ay mas malaki kaysa sa babayarang loan amortization (kung ito ay ikinuha ng loan), association dues at iba pang kaakibat na gastos.

Nalungkot si Teody at Abby dahil pinapaupahan nila ng PhP10,000 kada buwan ang kanilang condominium samantalang PhP45,000 ang kanilang monthly loan amortization at PhP3,200 ang association dues.

Hindi positive ang cash flow dahil abonado pa sila ng PhP38,200 kada buwan.

ROI < 8 years

Teody and Abby are enrolled in the Ateneo Leadership and Social Entrepreneurship A-LSE) in Singapore.

Dapat maibabalik ang capital o investment sa condominium galing sa rental income sa loob ng walong taon. Mas maganda kung mas maikli. Sa kaso ng mag-asawang Teody at Abby, ang return on investment nila ay aabot ng 22 years and five months.

Nabili nila ang condominium sa halagang PhP2.7 million.  months or 22.5 years.

Save to invest

In my opinion, mas may igaganda pa  ang naging investment strategy nina Teody at Abby sa kanilang condominium investment. Mabuti na lang at  alam na nila ang gagawin nila para solusyunan ito.

Sa ganitong sitwasyon, mas maigi na maging patient at huwag mag-apura. Mag-save muna nang mag-save hanggang makahanap ng magandang investment opportunity sa property.

Gamitin ang aking dalawang simple measures – (1) positive cash flow at (2) minimum 8 years ROI bilang gabay sa pagpili ng rental property.

Ito naman ang mga maari mong gawin kunng hindi nag-qualify sa cash flow and ROI ang condo mo: “How to invest in a condominium as a rental asset?

vincerapisura.com


2 Comments

  • Chen says:

    Hi Sir Vince, may mga tanong lang po ako:

    1. alin po ba ang 1st year ng condo, un po ba ung pagka turn over ng condo sa owner at pwede na paupahan?

    2. Kung ang condo po ang naka Bank Financing, sabi po sa amin na mas maganda kung aabutin ng 15 years hhulugan un monthly kc mas mababa ung magging amortization, ano po ang pro and cons nun? kpag bbayaran po namin ng advance with 7% interest from the bank, parang kami pa ang lugi kc magging mataas ang monthly amortization. abonado pa kami sa estimated monthly rental.

    3. pano po ba mag calculate ng ROI ng condo?

    salamat po sa blog nio kc madali po syang intindihin at andami po tlga matututunan naming mga readers nio.
    thank you.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: