was successfully added to your cart.

Cart

Lugar kung saan pinakamalaki ang kita kung papasok sa real estate business

Noong 2015, nagpatayo ako ng rental property sa probinsiya namin sa Quirino province. Ang Quirino ay isang liblib na lugar sa Region 2 at isang landlocked na probinsya. Napapaligiran kami ng probinsiya ng Isabel, Nueva Vizcaya at Aurora.

Aaminin kong wala sa plano ang pagpapatayo ng property na ito. Nagkataon lang na bahagi ng reitrement ng mga magulang ko na magbenta ng kanilang mga ari-arian para sila ay magkapera at nagdesisyon akong bilhin ito sa kanila.

Market research 

Ang bayan namin, ang Maddela, ang itinuturing na sentro ng komersyo ng aming probinsiya. Maraming mga maliliit na negosyo ang namamayagpag dito dulot na rin ng maraming may mga kamag-anak na OFWs at mga magsasakang nagmamay-ari mismo ng kanilang lupa.

Nang ginawa ko ang market research, lumabas na ang “best use” sa lupa ay magpagawa ng commercial property na parentahan para sa mga maliliit na negosyante tulad ng restaurant owners, small boutique shops, salon, at iba pang nais magbenta ng retail goods. (Read: Market research guide for rental properties)

Limang units na tig-65 square meters ang naipatayo namin, siyang angkop sa nauna naming natuklasan sa market research. Ang ground floor ay nasa 45 square meters at nilagyan ko ng maliit na 20 square-meter loft kung saan maari itong gamiting maliit na opisina o kaya naman ay private space ng may-ari sakaling gabihin o nais magpahinga.

Return on investment

Ang return on investment (ROI) sa mga rental properties ay dapat nasa 8 years. Ibig sabihin, a loob ng walong taon, mababawi ang kabuuang gastos sa pagpapatayo ng property sa loob ng walong taon. Katumbas ito ng 12.5% annual rate of return.

Rural versus urban rental properties 

Nang maparentahan ko na ang limang units ng commercial space, laking gulat ko na sa loob lamang ng tatlong taon ay ROI na ako. Mas maaga ito ng limang taon kaysa sa industry standard na walong taon.

Dito ko napagtanto na mas magandang magpagawa ng rental properties sa probinsiya o kanayunan kaysa sa siyudad o urban areas. Mahal na kasi ang properties sa mga urban centers, bukod pa dito sa mahal din ang gastos sa materyales at labor sa pagpapatayo ng rental property kumpara sa probinsiya.

Labas pa dito na may mas malalaking competitors sa siyudad na mas may kakayahang makamura sa kanilang negosyo dahil sa economies of scale. Bagay na hindi magagawa ng mga maliliit na rentap property developers.

Nagbigay na ako ng halimbawa dati ng isang mag-asawang nag-invest sa condominium bilang rental property at lumabas na 22 years ang kanilang ROI o 4.5% per annum. Nabigyan ko sila ng tips kung paano ito aayusin at napaikli naman nila ito sa 14 years ROI o 7% per annum.

Pero kung tutuusin, anim na taon pa rin ang layo nito sa standard na eight years. Alamin ang kuwento nila dito:

Invest in rural areas

Kapag sa kanayunan tayo mag-iinvest, mas may tsansa tayong makabawi sa ating investment nang mas maaga kaysa sa urban areas. Mas makakatulong din tayo sa pag-unlad nito.

Kaya ako, patuloy ang-scout ko ng mga properties sa rural areas. Dito pinakamalaki ang kita kung papasok sa real estate rental properties.

Gusto mo bang mapag-aralan pa ang tungkol sa estate planning? Sumali sa Retirement and Estate Planning Webinar sa December 8 and 15, 2023

Details at http://vincerapisura.com/webinars. Mag-register na sa https://bit.ly/rpwebinar-register

vincerapisura.com


6 Comments

  • Jona C says:

    Wow. Nice tips… now I know. Thanks sir Vince… ang iniisip ko po kc pg sa rura mababa ang value ng pagpaparenta… ano po say nio rito? Thanks

  • Elmer says:

    Hi Sir Vince Thanks po sa tips. Can you give more advise on how to scout a good rural location? Any potential rural community to scout? Thanks po and more power!

    • Vincent Rapisura says:

      Best po na maghanap kayo sa home town or home province ninyo. I am always on the lookout sa mga sinasabi ng mga kaibigan at kamag-anak sa probinsiya.

  • Joes says:

    Wow nmn sir Vince mas mganda tlga sa province .salamat sa mga tips nyo kya ako mdalas mag basa ng mga article nyo dami ko nttuhan..thank you sir vince..

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: