was successfully added to your cart.

Cart

LODI (Living Off Dividends and Interest) ba ang investment strategy mo?

Gamit ng mga millennial ngayon ang term na LODI o binaliktad na idol. Ito ang tawag nila sa mga taong tinitingala nila o kaya naman ay iniidolo dahil sa mga magagandang katangian.

Sa mundo naman ng money management may ibang kahulugan ang LODI pero ito pa rin ay sangayon sa paggamit ng mga millennial sa salitang ito. Ang LODI ay Living Off Dividends and Interest o isang taong nabubuhay mula sa dibidendo at interest na kinikita ng kanyang investments.

Interest

Interest ang ibinabayad bilang kapalit sa paghiram sa pera. Nakakatanggap ng interest ang nagpahiram ng pera (lender) bilang kabayaran sa pagpayag niyang tumanggap ng risk o panganib.

Maaari itong kitain sa pamamagitan ng paglalagay ng deposito sa bangko at kooperatiba; pagpapautang; pagsali sa peer to peer lending; at pagbili ng bonds at money market funds.

Dividend

Ang dividend ay ibinabayad ng kooperatiba sa mga members nito o ng korporasyon sa mga stockholders nito galing sa kanilang net income o linis na kita. May dalawang paraan upang kumita ng dividend sa Pilipinas – pag-iinvest sa capital share ng kooperatiba at sa stocks ng isang korporasyon.

LODI strategy

Maliban sa rental income, ang mga investment na nakapagbibigay ng dividend at interest ang mga pinasok ko para magkaroon ng passive income. Maaari kasing magsimula sa maliit na halaga para dito.

Sa larangan ng interest income, nagtatag kami kasama ng partner ko ng financing company noong 2008. Nagbibigay kami ng pautang at bumibili ng stocks sa mga rural bank, kooperatiba at microfinance NGOs sa buong Pilipinas.

Nagsimula kami sa kapital na PhP45,000 noong 2004. Kakatapos lamang ng 2017 audited financial statements namin at ito ay lumaki na sa halos PhP200 million.

Isa din kaming minority stock holder sa isang rural bank sa Bicol. Nag-invest kami ng PhP5 million dito at ngayon ay aabot na sa PhP17 million ang market value ng aming investment doon.

Masasabi kong maganda ang aking naging karanasan sa pag-iinvest para kumita ng interest at dividend. Kung nais mong matuto kung paano kumita ng interest at dividend, i-click ang mga pictures sa ibaba.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: