was successfully added to your cart.

Cart

Kailan ka magiging mayaman?

Lahat tayo ay inaasam ang masaya, masagana at mapayapang pamumuhay. Marami ang nag-iisip na pagyaman ang sagot dito, kaya lagi akong tinatanong, kailan ba masasabing mayaman ang isang Filipino?

Pera bilang panukat sa pagyaman

Kung babasehan natin ang National Statistics Coordination Board (NSCB), isang ahensiya ng gobyerno, mayaman ang isang pamilya kung kumikita ito ng PhP160,000 pataas kada buwan.

Maaring sumang-ayon kayo o hindi sa panukat na ito na ibingay ng NSCB. May mga magsasabing napakaliit naman ng perang kailangan para matawag na mayaman at may mga magsasabi namang napakalaki nito.

Ito ay dahil iba-iba tayo ng pananaw sa kung ano ang mayaman. May mga taong mayaman ang tingin nila sa sarili nila pero sa mata ng iba, baka mahirap ang tingin nila dito.

Kaya para sa akin, mahirap na pera lang ang gagaimting sukatan kung mayaman ang isang tao.

Inner satisfaction bilang panukat sa pagyaman

Kailangang paalalahanan ang sarili na ang pagtingin sa pera ay instrumento lamang. Hindi pera ang sagot sa maraming problema kundi pagbabagong buhay at pagbabago sa pananaw sa buhay.

Nagtatalaga tayo ng expectations o mga inaasam natin sa buhay – bahay, sasakyan, edukasyon para sa anak, kalusugan at iba pa. Para sa akin, kung natutustusan nang sapat ang mga inaasam na ito, maituturing na mayaman ang isang tao.

Set realistic expectations

Dahil iba-iba tayo ng mga inaasam sa buhay, iba-iba din ang kinakailangang kita para matugunan ang mga ito. Kaya mahalagang magtalaga ng realistic expectations.

Getting rich slow

Para sa akin ang pinakamabilis na paraan ng pagyaman ay kung magdadahan-dahan. Ilang beses na ba nating nakita ang mga natukso o kaya naman ay nagahaman kaya na-scam dahil sa pangako ng get rich quick schemes.

Ang pagyaman, napag-aaralan…

Magbigay ng panahon upang pagaralan ang paghawak, paggawa at pagpapalago ng pera. Humanap din ng mentor o mga taong makakatulong sa iyong magdesisyon nang maayos o kaya naman ay magbubukas ng oportunidad para sa iyo.

Ask empowering questions

Ang mga mayayaman, kung mag-isip, hinahanap ang parati ang oportunidad para matuto. Umiiwas sila sa paninisi dahil nakakapagod ito at nakakadagdag lang sa problema.

Kaya kapag may masamang nangyari, ito ang tanong ng mayayaman, “Ano ang gustong ituro ng kalagayang ito sa akin?” Samantala ang middle class ang itatanong ay, “Bakit ba parati akong dinadatnan ng malas?”

Focus and think long term

Ang mga mayayaman, may financial plan. Ginagamit nila ito bilang gabay sa buhay para hindi mawala sa focus. Binibigyan nila ng kahalagahan ang long term dahil kung magfo-focus sila rito, mas maaga nilang makakamit ang kaginhawaan.

Practice delayed gratification

Isa sa mga sikreto ng mayayaman ay ang delayed gratification versus sa instant gratification na gusto ng marami. Halimbawa, may pasensiya ang mayaman na maghintay at gagamit ito ng savings at investment para tustusan ang luho. Samantala, ang hindi mayaman naman ay gagamitin ang kita o kaya naman mas masahol pa, mangungutang para dito.

Delegate or hire

Ang mga mayayaman ay may iba’t-ibang klase ng pinagkakakitaan o tinatawag na multiple streams of income. Samantala ang hindi mayaman, karaniwang iisa lamang. Natatakot kasi silang i-delegate ito sa iba dahil naniniwala silang kailangan nilang gawin nang personal ang lahat.

Matutong mag-delegate at kumuha ng empleyado upang mas maraming magawa. Siguruhin lang na gumawa ng maayos na sistema at may checks and balances. Sa madaling sabi, i-professionalize para magkaroon ng tiwala sa iba.

Be kind and generous

Naniniwala ang mga mayayaman na kapag sila ay nagbigay, mas malaki pa ang balik nito sa kanila. Kaya naman marami sa mga bilyonaryo ay nagiging pilantropo.

Sa huli, ikaw ang magdedesisyon kung anong klase ng pagyaman ang gugustuhin mo at kung magkano ang kailangan mong kita para dito. Tanging sarili mo lang ang makakapagsabing mayaman ka na.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: