was successfully added to your cart.

Cart

Usapang Pera Season 3 Episode 7

“Maraming mga Pinoy, lalung-lalo na ang mga OFWs na may kaunting pera nang na-ipon. Gusto nilang malaman kung saan magandang mag-invest. Saan puwede ilagay ang PhP50,000?

—–

Atom: Ano na yung pwede mong gawin sa iyong pera?

Sir Vince: So, syempre pag sa fifty thousand, mas dumadami na yung options mo.

Sir Vince: Marami ka nang mauumpisahang investment with just PhP1,000. Ito ay ang time deposit, UITF at Pag-IBIG MP2. Kung may PhP5,000 naman, these are your investment options: mutual fund, stock market at cooperative membership.

So, yung mga nabanggit ko kanina, pwede mong buksan yung mga yun tapos pwede ka na ring mag-open ng tinatawag nating Personal Equity Retirement Account.

Meron tayong mga administrators na accredited at pupunta ka lang dun ‘no. May dalawang banks ngayon na accredited din. You go to them tapos mag-oopen ka ng PERA account sa kanila.

Atom: Uhm hhmm

Sir Vince: And the reason why maganda itong PERA account kasi marami itong tax benefits… so, may tax deductions, pwede sa contribution mo at yun ding kikitain nito ay tax free.

Atom: Oohh… okay.

Sir Vince: So, yun yung advantage ng PERA account.

You can also go into retail bonds ‘no… usually, these are treasury bills from the government at ito ay nagbibigay din ng mas mataas na interest rate kumpara sa mga time deposits na makukuha natin.

Atom: Yung mga ganyan ba kailangan mo pang kumuha ng broker or…? Kasi, baka hindi malinaw kung paano kukunin ‘tong mga instruments na ito.

Sir Vince: Oo. Ang pinakamainam na gawin dyan Atom ay pumunta sa isang bangko, sa commercial bank at magtanong sa kanilang manager or kung sino yung pupwedeng mapagtanungan to open the PERA or to buy a retail bond.

Atom: Alright.

Sir Vince: Marami sa atin ang gustong yumaman agad dahil sa hirap ng buhay pero para sa akin, ang pinakamabilis pa rin na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan.

Atom: Kaya maiging paghandaan ang ating hinaharap sa pamamagitan ng dagdag kaalaman sa pag-iipon, tamang pangungutang, at pag-iinvest. Ako si Atom Araullo.

Sir Vince: Ako naman si Sir Vince nagsasabing…

Sir Vince and Atom: Ang pagyaman, napag-aaralan.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: