Nakukulitan na ako sa mga nagtatanong sa akin kung ok daw ba ang mag-invest sa Nutriwealth Cooperative. Kaya minabuti kong i-google ang tungkol dito.
Paalala lang po, hindi ako nagrirecommend ng mga produkto, serbisyo at kumpaniya na may kinalaman sa pera para mapanatili ang aking independence sa pagtuturo ng money management. Tingin ko ay bahagi ng responsibilidad ko na magbigay imporamsyon lalo na sa mga investment scams.
Mabilis lang ang naging resulta ng research ko. Lumabas agad advisory ng Securities and Exchange Commission at ng Cooperative Development Authorty (CDA) laban sa Nutriwealth.
SEC Advisory
Nakasaad sa advisory na “Per records of the Commission, the aforesaid Cooperatives, Corporations and Associations are not authorized to solicit investment from the public as they have not secured the necessary license or permit from the Securities and Exchange Commission.”
Kinakailangan kasing kumuha ng lisensiya mula sa SEC kung ang isang tao o organisasyon ay nangangalap ng investment mula sa publiko. Nangangalap na sa publiko kapag ang investors o lenders nito ay lalagpas na 19 na tao.
Cease and desist order ng CDA
Ayon naman sa CDA, lumabag ang Nutriwealth sa registered activity nito mula sa ahensiya. “The cooperative (Nutriwealth) is hereby ORDERED TO CEASE AND DESIST from accepting deposits from members and non¬members.
Nakalagay ang detalye nito sa Special Order No. 2017-364, s.2017 dated noon pang November 23, 2017.
Umiwas sa scam
Uulitin ko, ang pinakamabilis na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan. Kaya proteksyunan ang pinaghirapang pera.