Napapadalas ang pagbisita ko sa General Santos City dahil may isa kaming project na ini-implement ka-partner ang Department of Agrarian Reform. In fact, nagtayo kami ng branch dito for this purpose.
Interestingly, yung broker na kausap namin ay nag-share ng kaniyang investment at gusto kaming hikayating mag-invest sa kanila. Tumbling ang puso ko dahil 30% per month daw ang interest.
Naloka ako.
Dalawa ang binanggit niyang investment: Kappa (also known as Kapa and Kabus Padatoon) and Almamico. So I immediately checked with Google about these two.
Kappa
I found Kappa easily on the web. Ang tinype ko lang ay “Kappa SEC advisory” and voila! Tumambad sa akin ang warning ng Securities and Exchange Commission sa organisasyong ito.
Noong March 8, 2017 pa ang advisory pero patuloy pa rin ang pag-operate nito, proof na dito ang pag-recruit sa akin ng broker. Isang sign din na kulang ang ngipin ng batas at pag-regulate sa mga nagsasamantala.
In the advisory, sa Bislig City nagsimula ang scam na ito. Malapit sa akin ang Bislig City sa Surigao del Sur dahil may microfinance operations kami doon. Sana ay hindi nabikitima ang mga kilyente naming doon.
Kapalit ng iyong donasyon ay ang perpetual dawn a pagbibigay sa iyo ng 30% interest kada buwan. Nakakalula. Apparently marami pa rin ang sumasali sa kanila at may mga nagpapatunay na nakakuha sila ng 30% at bawi na sila.
Ponzi scheme po ang tawag sa ganitong investment scam. Kahit na kumita ka na at nakabawi ka na sa investment mo, maawa ka naman sa mga susunod sa iyo na mabibiktima. Tiyak mas marami ang mga ito.
Remember, karma will haunt you.
ALMAMICO
I did the same Google search for ALMAMICO, I typed “ALMAMICO advisory” at agad ding tumambad sa akin ang warning ng Cooperative Development Authority. ALMAMICO stands for Alabel Maasim Small Scale Mining Cooperative.
Pareho ang offer nito ng Kappa, 30% per month din ang interest na binibigay.
Resist the temptation
Ito ang tatlong matatamis na pangako ng mga scammers na nauuwi sa isang mapait na karanasan: napakataas na kita; once in a lifetime deal at garantisadong walang pagkalugi. VERY TEMPTING di ba?
Kailangang maging matatag at diretso mag-isip kapag na-offer kayo ng ganito. To learn more about investments scams, visit this.