was successfully added to your cart.

Cart

Invest in yourself

By August 1, 2017 Investments

Usapang Pera Season 2 Episode 2

“Nicole, ikaw, meron ka na bang investment?”

“Wala.”

“Naku! Ilang taon ka na ba?”

“Twenty-five.”

“Akala ko, hindi mo sasagutin!”

“Considered bata pa yun di ba!?”

“Uuuyy! At twenty-five, kailangan dapat nag-iistart ng mag-invest ha?”

“I know.”

“So, tuturuan kita ngayon kung papaano magstart na mag-invest.”

“Paano?”

“Okay. Sige.”

“Kadalasan kasi maraming mga nagtatanong sa akin ‘no sa ating Facebook page. Yung tinatanong nila, “Sir Vince, pwede ba na mag-invest na ako? Turuan mo naman kami. Stock Market.” Do you think it’s a good idea na stock market agad yung un among pupuntahan?”

“Akala ko. Like, paunti-unti ka dyan, dito… dyan… tapon tapon dyan ng pera.”

“Totoo. Matatapon nga talaga yung pera kung ganon yung strategy ‘no.”

“Ayun lang.”

“Yung stock market kasi medyo sophisticated na ito na investment product so hindi dapat ito yung nauuna. So, eto yuong ating kailangang gawin muna bago tayo magpunta sa mga sophisticated.”

“Paano ba magsimulang mag-invest? Ang una mong dapat gawin is to invest in yourself. So, can you tell me things na ginawa mo para mag-invest para sa sarili mo?”

“Parang ano ba ‘to “Mahalin mo muna ang sarili mo.” Ganon?”

“Yes!”

“Okay! Minahal ko ang sarili ko sa pamamagitan ng… yung parang nagkukuha ako ng mga extra courses na baka feeling ko mapapagkakitaan ko in the future like kunyari yung designing… fashion design na courses.”

“Right.”

“Kumuha ako nun… So, natuto akong manahi.”

“Right. Kunwari, meron kang plano, dapat pinag-aaralan mo na kung papaano mo gagawin yung planong yan. Naririnig ko kasi sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatanong sa akin sa Facebook, “Sir Vince, ano ba yung negosyo na puwede nating pasukan?” So, habang nag-iipon ka pa para sa negosyo na yun, mag-aral ka na. Pwede kang mag-enroll sa mga online courses. Pwede ka ring umattend ng mga seminars at trainings para ikaw ay mag-increase yung inyong knowledge and skills. Another way to invest in yourself is to widen your network. Paramihin ang iyong mga kakilala.

“So, kapihan sessions yan.”

“Pwede rin. Pwedeng party-party. Makikihalubilo ka sa mga tao na tingin mo, maayos ang kanilang pamamalakad sa pera, ang kanilang pamamalakad sa negosyo. You’re actually surrounding yourself with people who could actually help you kapag ikaw ay, say, nagsimula ng business o kaya may papasukin kang investment. So, you can also learn a new skill. Sa mga trainings ko sa Italy, for example, marami dun sa mga participants namin ay domestic workers…”

“Mmhhmm…”

“Tapos, itatanong ko sa kanila, “Gusto niyo ba na kayo mamatay na domestic worker?”

“Mmhhmm…”

“So, ang sagot nila, “Naku, sir! Hindi! Hindi pwede!” So, itatanong ko, “So, ano ginagawa niyo para

hindi na kayo domestic worker?”

“Mmhhmm…”

“Naku, ayun na! Naglalabasan na yung iba’t-ibang klase ng rason kung bakit hindi. “Eh, sir, kasi dito sa Italy, kailangan marunong kang mag-Italian. Wow! Hihintayin mo ang buong Italy na

magtagalog para sayo?” Ang rule dyan, kung tatlong (3) taon ka na dyan abroad, kung saang country man yan tapos hindi mo pa rin alam yung lengwahe nila, feeling ko, nagpapabaya ka na.”

Patuloy ni Sir Vince, “Tapos, ang pang-apat na taking care of yourself is of course, very basic, that is to take care of your health. Okay ka nga financially pero yung health mo naman, hindi, hindi mo rin ma-eenjoy yung iyong kayamanan.”

“Tayong mga Filipino ay naghahangad ng masaya, masagana at mapayapang pamumuhay.”

“Kaya naman kailangan nating palawakin ang ating kaalaman sa pag-iipon, pag-iinvest at pangungutang. Ako si Nicole.

“Ako naman si Sir Vince nagsasabing…”

“Ang pagyaman, napag-aaralan.”

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: