Singapore – In my previous article, nakilala natin ang mag-asawang Teody at Abby na nag-invest sa condominium. Hindi nila nasunod ang aking formula for a good condominium rental property which is to have (1) positive cash flow at year one at (2) minimum of 8 years ROI.
Basahin ang kuwento ni Teody at Abby tungkol sa “Maganda bang investment ang condo?”
Ito ay follow up article upang matulungan ang mag-asawa na mapabuti ang kanilang napasok na rental property.
Increase rental rate
Ang pinakamadalinng gawin ay itaas ang renta sa condominium para magkaroon ng positive cash flow.
Sa Ortigas ang lokasyon ng condominium ng mag-asawa at may laki itong 45 square meters. Ang sabi ng agent nila ay mapapaupahan daw ito sa halagang PhP25,000 to PhP35,000 per month.
Sinubukan nila itong paupahan ng PhP20,000 per month pero wala pa ring takers. Hanggang sa nag-settle sila sa PhP10,000 per month..
Sa katunayan, nang magtangka silang itaas ang renta sa kasalukuyang nagre-renta, nagdesisyon itong umalis na lamang at lumipat sa parehong condominium na mas mura. Ang ibig sabihin nito, maraming supply ng condominium sa area na ito at mahirap magtaas ng rental rate.
Kaya kapag kayo ay may balak na kumuha ng condominium for rental property, bukod sa sasabihin ng agent na going rate ng rental sa area ninyo, do your own research. Napakaraminng available na online site kung saan makikita ang prevailing rental rates ng mga condominiums given a specific address.
Increase down payment
Maalala natin na nabili ng mag-asawa ang condominium sa halagang PhP2.7 million. Kinuha nila ito ng loan sa bangko na payable monthly sa loob ng limang taon at may interest na 6.5% per annum.
Malaki ang monthly loan amortization nila sa condominium – PhP45,000 per month. Samantalang PhP10,000 per month lang ang kinikita nila sa rental income.