Para mapababa ang loan amortization at magkaroon ng positive cash flow ang mag-asawa, ang isang option ay lakihan nila ang kanilang down payment sa bangko. Sa aking kalkulasyon, kung mananatiling five years ang target ng mag-asawa na mabayaran ang loan sa bangko at hindi magbabago ang interest rate, kinakailangan PhP500,000 lang ang kanilang uutangin.
Magbibigay ito ng PhP10,000 na monthly loan amortization sa kasalukuyang taon. Kung bahagya silang magtataas ng renta sa susunod na taon, complied na nila ang requirement ko na mag-positive cash flow with in one year.
Ang ibig sabihin nito, kailangan nilang mag-ipon ng PhP2.2 million na pang-down para hindi sila mangutang nang malaki at magbayad nang malaking monthly amortization.
Napakahalaga ng role ng savings para mapaliit ang loan amortization na kailangang babayaran.
Increase repayment term
Another option para magkaroon ng positive cashflow ay pahabain ang loan term sa bangko mula sa five years na loan term nito ngayon. Kung mananatili ang interest rate sa 6.5% at ie-extend natin ang loan to 20 years instead of five, PhP1.3 million lang ang malo-loan nila.
Ibig sabihin nito, kailangan pa rin nilang mag-down ng PhP1.4 million.
Sell the property
At the extreme, kung hindi pa rin makuha ang cash flow and ROI requirements ang property, I suggest selling the property and look for another one that would qualify my requirements. Of course, choice pa rin ito ni Teody at Abby.
In summary, ito ang mga matutunan natin sa case ni Teody at Abby:
- Do your own research on rental potential of the area before making your purchase decision
- Crosscheck agent information with disinterested party
- Save to increase down payment
- At least match loan amortization with first year rental rate
- Increase loan term to lower cash outflow