Simula ng adulting age ang kapag nakatuntong na sa 30 edad. Dito nagsisimulang maging responsible ang mga tao at nagiisip ng long term. Marahil ay naiisip na tapos na ang pagiging galibanting sa kabataan at oras nang mag-seryoso.
Isa sa mga responsableng gawain sa personal finance ay ang pagkuha ng insurance. Mahalaga ito dahil ito ay nagbibigay proteksyon sa ating kalusugan, buhay at ari-arian.
Sa mga taong walang dependents, hindi naman talag kinakailangan ang life insurance. Ito ay dahil wala namang mawawalan o kailangang buhayin sakaling ikaw ay mamatay.
Health Insurance
Ang mas mahalagang magkaroon ka ay health insurance sakaling ikaw ay magkasakit at accident insurance sakaling may mangyari sa iyong masama pero hindi naman ikinamatay. Isa sa mga pinakamalaking gastusin ang pagkakasakit at pagka-aksidente at ito rin ang dahilan ng kahirapan.
May dalawang klase ng health insurance – emergency and preventive health care. Mainam na magkaroon ka ng dalawa.
Ang emergency health care ay ang coverage na makukuha mo sakaling ikaw ay ma-ospital o ma-confine. Ang preventive health care naman ay iyong pagpapa-check up at annual physical exam.
Mayroon ding tinatawag na hospital income benefit (HIB). Para sa akin hindi talaga ito health insurance kundi income replacement benefit. Ang ibig sabihin ay bibigyan ka nila ng katumbas na halaga na dapat ay kikitain mo bilang kapalit dahil ikaw ay nagkasakit.
Mas mainam na magipon at mag-invest na lang kaysa sa kumuha ng HIB. Mas masusulit ang perang ibabayad sa premium kung iipunin at ii-invest kaysa kumuha ng HIB. Ang kailangan ay emergency at preventive healthcare hindi income replacement.
Life insurance
Kung may dependents ka naman, kinakailangan mong ding kumuha ng health insurance ngunit mas mahalag na mayroon kang life insurance. Titingnan mo kung ilang taon ang gugugulin ng maiiwan mo para makabangon kung ikaw ay mamatay.
Karaniwan ito ay inilalagay sa sampung taon kaya ang life insurance benefit na dapat meron ka ay katumbas ng 10 taong kita. Mura lang ang life insurance kung ang kukunin ay term insurance, kaya siguraduhing ito lamang ang kunin.
Property Insurance
Kinakailangan ding kumuha ng property insurance. Sa ganitong edad, nagsisimulang magkaroon ng ariarian tulad ng saksakyan o bahay. Mainam na kumuha ng insurance para dito para sakaling may aksidente, kalamidad o di inaasahang pangyayari, covered ang panganib o risk ng insurance.
Travel insurance
Marami sa edad na ito ang mahilig mag-travel dahil isa ito sa mga items sa bucket list nila. Huwag mangingiming bumili ng travel insurance to cover for any untoward incident that may happen in your vacation. Mas mae-enjoy mo ang bakasyon kung ang may peace of mind.
Insurance is practical
Tandaan na may seguridad at proteksyon sa insurance. Mas mahimbing at payapa ang tulog sa gabi.
Hi Sir Vince,ano ano po ang mga ahensya ba pwedeng pag aplayan ng insurance na nabanggit?
bumisita po sa website ng insurance commission. may listahan po doon ng lahat ng insurance companies na may lisensiya sa Pilipinas.