Kamakailan ay dumadami ang nag-message sa akin sa FB page ko na mag-asawa. Ang mga tanong ay medyo personal pero malaki ang kinalaman sa paghahawak ng pera.
Financial plan
Ang pinakamadalas tanungin sa akin ay paano daw hahatiin ang mga responsibilidad sa gastusin sa bahay. Kailangang munang gumawa ng financial plan para masagot ito. Maari niyong basahin ang article ko about this para makatulong sa paggawa ng financial plan.
Open joint savings accounts
My suggestion is to open tatlong joint bank accounts na “and” ang signature requirement. Ang ibig sabihin nito ay kinakailangang may pahintulot ang dalawa sa pag-withdraw sa account.
Pang-emergency savings ang unang bank account. Katumbas dapat ng siyam na buwan na suweldo ang laman nito. Gagamitin lamang ang pera dito sa panahon nng emergency—defined as a matter of life and death situation.
Ang pangalawang account ay ilalaan para sa napagkasunduang budget para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Kailangang masinsinan itong gawin para siguradong hindi ma-“short” sa budget.
Sa pangatlong accont naman ilalagay ang budget para sa financial goals tulad ng pagaaral ng mga anak, pang-investment, pampatayo ng bahay etc. Kapag medyo malaki na ang nakalagay dito, maari na itong ilipat sa mas sophisticated financial products or investments upang kumita nang mas malaki.
Parehong maglalagay ang mag-asawa ng katumbas na amount sa mga joint savings acount.
Financial independence
Sa mata ng batas, iisa ang tingin sa puso at bulsa ng mag-asawa. Pero ako naniniwala na kinakailangan pa din may sense of independence sa pagde-desisyon ang bawat isa kapag napunan na ang emergency savings, daily needs at financial goals na nabanggit sa itaas.
Sa madaling sabi, anumang sobra na maiiwan sa bawat isa matapos magampanan ang responsibilidad, may laya na dapat gamitin ito nang hindi kinakailangang magpaalam maya’t maya.
Pero sa ganitong kalayaan, siguraduhing sa ikabubuti ng pamilya gagamitin ang pera. Mas maigi pa rin kung pananatilihing bukas ang komunikasyon.
Hi! Sir Vince napakaganda ng advice mo sa pag gawa ng financial plan bilang mag asawa, ang hirap kasi yung word na pera ko, suweldo ko, ako lang inaasahan sa amin, wala kang trabaho bakit kita isama sa joint account, mahirap na siguro umpisahan since 29 yrs. past already, pero never na madicouraged ituloy lang ang dream natin, kahit nasa bahay puwede rin kumita, basta magsikap lang, magluto para may itinda, hanggang maexpand ang pagkaroon ng iba pang income para magkaroon ng pera puwede na rin matupad ang goal sa financial plan para sa gusto natin in the future, savings, investment at insurance. Seek God first and all His rightousness and everything will be given unto you. God bless po sa advice mo sir Vince.