Handa ka na bang mag-“For Good?” 6 na bagay na dapat ihanda ng mga OFWs
6. May bago ka na bang pagta-trabahuhan o negosyo pag-uwi mo?
Kapag may mga dependents pa katulad ng mga nag-aaral na mga anak at may sakit na magulang, kinakailangang may source of income agad pagdating sa Pilipinas. Kailangang kumita agad pagbalik sa Pilipinas dahil may mga obligasyon at responsibilidad tayong gampanan para sa ating mga dependents.
Habang nasa abroad pa lang, maiging maghanap na ng trabaho sa Pilipinas bago pa umuwi. Ang advantage ng pagta-trabaho abroad ay dala-dala mo ang iyong malawak at mayaman na karanasan pati na rin ang iyong nahasang kaalaman at kakayahan. Mahalaga ito sa mga future employers mo sa Pilipinas.
Kung negosyo naman ang nais itayo, gumawa na ng business plan habang nasa abroad. Kapag umuuwi para mag-bakasyon, gamitin mo na rin ang panahong ito upang mag-market research o alamin kung paano ang pagpapatakbo ng negosyong nais mong itayo.
Sa ganitong paraan mababawasan ang tiyansa ng pagkalugi.