Handa ka na bang mag-“For Good?” 6 na bagay na dapat ihanda ng mga OFWs
5. May passive income ka na ba?
Ang mga OFWs kapag nag-abroad, ang kadalasang layunin ay tustusan ang panganagilangan ng pamilya sa Pilipinas. Hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang investments.
Ang mga investments na nakapagbibigay ng passive income ang siyang dapat unahin bago pa gumastos sa mga luho o mga bagay na di naman kinakailangan. Ang passive income ay income na kinikita kahit hindi nagta-trabaho katulad ng rental income, interest income, dividend, capital gains, pension at royalty.
Ang aking prinsipyo sa investment ay ganito: Invest as much as you can. Pero kung hindi kaya, maglaan ng 20% ng kinikita para sa investments.
Sa tamang pagpa-plano, ang mistulang mahirap abuting investment ay magiging abot-kaya. Halimbawa, ang pagpapatayo ng rental apartment. Maraming nalulula na milyon milyon ang kailangang ihanda.
Magsimula muna sa maliit. Halimbawa, isang milyong prental property ang ide-develop mo sa inyong probinsiya. Mag-ipon ng katumbas ng 20% ng property at kumuha ng loan sa PagIBIG para tustusan ang pagpapatayo nito.
Siguraduhin lang na ang rental income ay hihigit kaysa sa loan installment o amortization sa PagIBIG para ito ay masulit.