Handa ka na bang mag-“For Good?” 6 na bagay na dapat ihanda ng mga OFWs
4. May sapat ka bang emergency savings?
Ang emergency savings ang siyang ginagamit na panustos para sa mga di inaasahang pangyayari. Ang goal natin sa emergency savings ay magkaroon ng katumbas ng anim na buwang kita.
Para tayo ay makapag-ipon, mayroon akong tatlong strategies: (1) dagdagan ang kita; (2) bawasan ang expenses; at (3) bawasan ang kagustuhan.
Sa mata ng karaniwang Filipino, ang main strategy sa pag-iipon ay parating pagtitipid lamang. Hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang equally important strategy, at iyan ay ang paghahanap ng karagdagang kita.
Sa paghahanap ng karagdagang kita, ang ginagawa ko ay humahanap ako ng sideline, raket o iba pang mapagkakakitaan. Tapos ang gagawin ko, kalahati nito ay iipunin ko at ang kalahati naman ay maari kong gastusin.
Ito ay para maramdaman ko ang magandang pakiramdam ng kumikita para ma-enganya pa akong maghanap ng paraan ng pagkakakitaan.
Pero ang pinakamabisa pa ring paraan para makapag-ipon ay ang pagtatalaga ng simpleng pamumuhay. At ang ibig sabihin nito ay babawasan ang ang mga kagustuhan sa buhay.
Ginagawa ko ito sa pamamagitan ng pag-iwas na mainggit sa lifestyle ng aking mga kaibigan. Iniiwasan ko din ang pagnanasang magkaroon ng mga bagong bagay tulad ng damit, sapatos at lalung-lalo na ng mga gadget.
Kung gagawin ang mga ito, kasama ang iyong pamilya, mas mapapabilis ang pag-iipon para sa emergency fund at mas mapapdali ang pag-uwi mo sa Pilipinas. Ang rule ay maglaan ng 15% ng kinikita kada buwan para sa emergency savings.