Handa ka na bang mag-“For Good?” 6 na bagay na dapat ihanda ng mga OFWs
3. May sapat ka bang insurance coverage?
Ang insurance ang isa sa naghihiwalay sa mga mahirap at sa mga mayaman. Kinakailangang may life insurance ang breadwinner at medical/health insurance naman para sa lahat ng kasapi ng pamilya.
Ang ideal na life insurance coverage ay katumbas ng 10 taong kita. Marami ang nagugulat sa laki ng life insurance requirement na ito kaya ang advice ko ay kumuha lamang ng term insurance at umiwas sa VUL o mga insurance na may kasamang investment. Labis na lalaki ang premium mo kapag itong investment-linked insurance ang bibilhin.
Base sa edad mo, ito ang estimated na annual premium sa isang milyong coverage ng term life insurance:Para sa health insurance kinakailangang may coverage para sa preventive care at emergency care. Ang preventive care ay makukuha sa mga Health Maintenance Organizations (HMOs) samantalang ang emergency care naman ay makukuha sa mga health insurance policies.Kinakailangan ding may health o medical insurance ang pamilya. Sa aming pananaliksik, isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng pamilya financially ay dahil sa pagkakasakit. Magastos ma-ospital sa mga panahon ngayon.
Ipinapayo kong 5% ng buwanang kinikita ang ilaan para sa insurance premium. Kapag sobra na dito, malamang ay masyado nang mahal ang kinuha mong insurance.