Handa ka na bang mag-“For Good?” 6 na bagay na dapat ihanda ng mga OFWs
2. May sapat ka bang ipon para tustusan ang inyong pang-araw-araw na pangangailangan?
Isa sa mga indikasyon na handa ka nang mag-“for good” ay kung ang mga kasama mo sa bahay ay may pinagkakakitaan na. Ibig sabihin hindi na sila nakaasa sa iyo. Ito ang ideal.
Pero sa realidad, may mga kasong hindi ito nangyayari. Sa iyong pagbabalik, kung ikaw lang ang aasahang kikita para sa pamilya, kinakailangang mag-ipon ng sapat para matustusan ang inyong daily needs.
I-estimate kung mga ilang buwan bago ka magkaroon ng pagkakakitaan. Maaaring sa pamamagitan ito ng employment o pagnenegosyo. Kung highly-skilled ka at in demand ang iyong profession, malamang madali kang makakakuha ng kapalit na trabaho.
Sa negosyo naman, alalahanin na hindi ito agad-agad kikita. Kaya kailangang maghanda kasi maaring maubos ang kapital sa negosyo sa gastusing bahay kung hindi ito paghahandaan.
On average, ang advice ko ay maglaan ng ipon na katumbas ng siyam na buwang gastusin sa pang-araw-araw para tugunan ito.