Handa ka na bang mag-“For Good?” 6 na bagay na dapat ihanda ng mga OFWs
1. Napag-usapan mo na ba ng pamilya o minamahal mo sa buhay ang implikasyon ng iyong pag-uwi?
Ang pinakamalaking maapektuhan ng iyong pagbabalik sa Pilipinas ay ang iyong kinikita. Nakahanda ba ang pamilya mo para tanggapin ito?
Kinakailangang magusap-usap kayong mag-anak at pagplanuhan ang iyong pagbabalik. Mas maigi kung ang mga big ticket items katulad ng pagpapatayo ng bahay, pagpapaaral sa mga anak, kapital sa negosyo –ay natupad na.
Kung hindi naman, mag-set kayo ng limit ng inyong lifetstyle sa iyong pagbabalik. Tandaan na ang simpleng pamumuhay pa rin ang pinakamabisang paraan upang mapababa ang gastusin.
Ipagpaliban muna ang pag-uwi kung hindi napag-planuhan ang pag-“for good” sa Pilipinas. Kaya mahalagang mag-heart-to-heart talk kasama ng mga minamahal mo sa buhay tungkol dito.
Maaring ikaw ay handa nang umuwi pero baka naman ang mga naghihintay sa iyo sa Pilipinas ay hindi pa handa. Huwag silang biglain. Kailangan din silang i-prepare dahil magkakaroon talaga ng adjustment sa lifestyle
Kaya dapat, pagusapan sa pamilya ang pagkakaroon ng financial plan.