was successfully added to your cart.

Cart

Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?

Pinaghahandaan ng mga magulang ang future ng kanilang mga anak. Mahalaga ito para hindi mabigla sa gastusin lalung-lalo na pagtungtong ng mga anak sa kolehiyo.

Kaya marami sa akin ang nagtatanong kung dapat bang ang kanilang anak ay ikuha ng insurance with investment ang kanilang anak dahil daw may proteksyon na sila galing sa insurance at may kita dahil sa investment.

Totoo naman ito pero ito ba ang pinakamainam na paraan para masulit ang iyong pera? Ang sagot ay  nagsusumgabong, hindi.

Una, hindi kailangan ng bata ang life insurance. Basahin ang dahil kung bakit sa naisulat kong article tungkol dito – “kailangan ba ng bata o sanggol ang life insurance?

Pangalawa, mas mainam na mag-invest nang hiwalay sa life insurance dahil ang investment-linked insurance o VUL ay mahal. Alamin sa article na naisulat ko—bakit mahal ang VUL—ang mga dahilan.

Pangatlo, mas malaki ang kikitain kapag nakahiwalay ang pagi-invest kaysa pinagsasabay ang insurance ng mga bata. Hindi kasi mapupunta sa mahal na commissions ng agents at ng insurance company ang malaking bahagi ng ibinayad mong premium.

Ang investment para sa future ng mga anak ay karaniwang para sa kanilang pagaaral. Mas maraming mainam na investment products na angkop dito kaysa sa investment-linked insurance tulad ng – time deposits, bonds, UITF, mutual funds, pagne-negosyo at pagpapatayo ng rental properties.

Mainam na gumawa ng financial plan para mas malinawan kung ano ang angkop na investments sa mga financial goals para sa anak. Gumawa nito gamit ang guide—“Paano gumawa ng financial plan?”

vincerapisura.com


One Comment

  • Anna Liza Sande says:

    sir Vince, if existing na po ung investment link, 5 years, 3 yrs and 2 yrs na sya. mas ok po ba na i withdraw ko na ngyn and i re invest? di po ba malaki ang losses nun?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: