was successfully added to your cart.

Cart

Gabay sa pagkuha ng travel insurance

Noong magbakasyon kami sa Europe kasama ang aking pamilya, isa sa mga ni-require ko sa kanila ang pagkuha ng travel insurance. Hindi ako nagkamali sa advice na ito dahil talagang nasulit naming ito at napaginhawa ang aming paglalakabay.

Isa sa mga makakapagpasama ng isang bakasyon ay kapag magkakaroon ng di inaasahang gastusin lalung lalo na kung dulot ng pagkakasakit o aksidente. Kaya para magkaroon ng peace of mind, kapag magbabakasyon at maglalakbay, siguraduhing kumuha ng travel insurance.

Nasa Paris kami noon nang atakihin ang isa sa mga pamangkin ko sa asthma at kinailangang itakbo sa ospital. Hindi pinagbayad ng ospital ang ate ko nag dalhin niya ang anak niya dahil nang ipakita niya ang travel insurance sa ospital, tinanggap nila ito.

Ang ospital na sa Paris ang magaasikaso sa claim sa insurance company. Nang makauwi sila sa Australia, ibinalita ng ate ko na napakabilis ng reimbursement sa nagastos na mga gamot. Travel insurance din ang nagsalba sa gastusin sa pagkaka-ospital ni papa dahil sa mild stroke.

Kung hindi ka pa rin kumbinsido sa pagkuha ng travel insurance, ewan ko na lang.

Travel insurance

Ang travel insurance ay isang klase ng insurance na nagbibigay proteksyon sa gastos or losses kaakibat ng paglalakbay. Maaring ang dahilan ng paglalakbay ay bakasyon o trabaho. Mahalaga ito kapag naglalakbay sa domestic o international na destinasyon.

Travel insurance premium

Ito ang aking rule: kung hindi mo kaya o maatim magbayad ng travel insurance, wala kang karapatang maglakbay.

Madalas akong maglakbay dahil sa trabaho at bakasyon. Last time I checked, naka-56 flight segments ako sa Philippine airlines; hindi pa kasama dito ang ibang airlines noth dometic and international. Labas pa dito ang mga local travels na gamit ang probadong sasakyan.

Kaya, ang kinuha kong travel insurance ay good for one year at may international coverage. Hindi lalampas sa USD400 ang annual premium na binabayaran ko.

Sa mga short segment flights naman, domestically, nasa PhP500 to PhP1,000 ito at covered ka sa mga araw na ikaw ay naglakbay hanggang paguwi mo. Karaniwang nag-ooffer ang airline ng insurance kapag bumibili ng ticket online, I suggest that you take it kung wala ka naming ibang option na pagbibilhan.

Para sa mga natira sa abroad, maraming travel insurance provider na pagpipilian. Sa pamilya ng panganay naming, nasa USD800 ang binayaran nila pero covered na silang limang mag-anak for three weeks.

Ang mga pamilya naman ng kapatid ko sa Australia ay nasa AUD200 ang binayaran nila covered na ang buong mag-anak na may 2-3 family members.

Kung bibili ng ticket (airline, package tour, cruise at iba pa) gamit ang credit card, i-check din sa credit card benefits mo kung may automatic nang travel insurance na kasama kapag ginamit mong pambili ang credit card.

Trip cancellation or trip interruption

Nagbibigay ng proteksyon sa trip cancellation o trip interruption ang travel insurance kung saan na-delay o kaya naman ay na-cancel ang paglalakbay dahil sa mga sumusunod na dahilan: pagkakasakit, pagkamatay ng immediate family member, masamang panahon tulad ng bagyo at mga business conflicts.

May schedule ng claims sa bawat dahilan ng trip cancellation o trip interruption sa insurance policy kaya basahin ito nang maigi. Nakalagay dito kung hanggang magkano ang iko-cover ng travel insurance.

In the same trip to Europe, na-cancel ang flight naming from Pisa to Amsterdam dahil nagkaroon ng worker strike sa airline na binilhan naming. Bumili kami ng panibagong ticket sa ibang airline Florence to Amsterdam.

Ang dalawang kapatid kong nakabase sa Australia ay nakakuha agad ng reimbursments sa travel insurance na nakuha nila, kasama ang planet tickets, hotel accommodations and daily allowance dahil sa pagka-delay naming sa pagpunta sa destinasyon.

Yung kapatid ko naman sa America ay nag-file din ng claim pero medyo natagalan ang pagbibigay sa kaniya dahil inantay pa panahon na hindi nakapagbigay ng reimbursement mula sa airline sa ticket na nabili.

Medyo dismayado naman ako sa travel insurance na binili ko sa Pilipinas kasi kalahati lang sa nagastos ko ang na-reimburse sa akin. Ok na rin, mas mabuti kaysa wala.

Baggage and personal effects coverage

 Ang baggage at personal effects coverage ay nagbibigay ng proteksyon sa pagkawala, pagkanakaw o pagkasira ng mga nadalang kagamitan sa biyahe. Mapalad kami dahil hindi naming naranasan ito sa Europe trip.

Noong nagbakasyon kami ng partner kos a Greece noong 2008, sa ksamaang palad ay naransan kong madukutan. Buti na lang at pitaka ko lang ang nakuha, hindi nila nakuha ang passport ko.

Nakapag-file ako ng claim at may fixed amount na ibingay sa akin ang travel insurance, alinsunod sa kanilang schedule. Umabot ito ng USD3,000.

Short-term medical and major medical coverage

 Ang short term medical coverage ay nagbibigay ng medical coverage na hindi lalagpas ng isang taon. I-check sa bibilhan kung ilang araw exactly ang ibinibigay.

Sa travel insurance na nabili ko sa Pilipinas, 90 days maximum per trip ang binibigay. Kapag nag-travel ako at lumampas ako ng 90 days doon, hindi na nila ako bibigyan ng medical coverage.

Pero ang mas hahabulin talaga natin ditto ay ang major medical coverage kapag inabutan ng malubhang pagkakasakit o aksidente habang naglalakbay. Nagbibigay ng hospital coverage, surgery, gamut at impormasyon sa pagpunta sa hospital ang travel insurance.

Noong ma-emergency si papa sa kaniyang mild stroke, tinanong kami ng travel insurance kung kinakailangan ng airlift si papa para madala sa pagamutan o makabalik agad sa America. Sa kabutihang palad, hindi naman kinailangan. Pero, it fealt good that we had that option without worrying about the cost.

Accident and death coverage

Kung ang isang aksidente ay nagdulot ng pagkamatay, disability o kaya naman ay serious injury sa traveler o kaya ay sa kapamilya nitong kasama niya sa paglalakbay, ibinibigay ng travel insurance ang accidental death o accident benefit sa mga nabubuhay na beneficiaries.

May mga exclusions na kasama ditto tulad ng overdose dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na droga; civil war at iba pa. Kaya ugaliing basahin ang fine prints ng policy.

 

Travel with peace of mind

Kaya kung nagbabalak magbakasyon o kaya naman ay kasama na sa trabaho ang paglalakbay, ugaliing kumuha ng travel insurance para sa peace of mind mo at sa peace of mind ng mga minamahal mo sa buhay.

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: