was successfully added to your cart.

Cart

Family and friends bilang source ng kapital sa negosyo

Maraming mga first timers sa pagtatayo ng negosyo ang nalilito kung ano ang pinakamagandang source ng kanilang kapital. Iniisip nila kung maganda bang humiram sa mga kamag-anak o kaya kaibigan para sa kanilang kapital.

Puwede namang humingi ng tulong sa mga kamaga-anak at kaibigan upang magkaroon ng pondo sa sisimulang negosyo. Pero alalahanin na nakataya ang relasyon mo sa kanila at batay ito sa kung magiging matagumpay o kaya naman ay malulugi ang iyong business.

Sa totoo lang, ang karaniwang isinasaalang-alang sa ganitong sitwasyon ay ang relasyon mo sa kanila; kaysa sa feasibility ng iyong business. Malaki ang emotional investment dito, kaya mag-ingat nang mabuti.

Mabilis ang pag-uusap

Dahil hindi na kailangan pang kilalanin ka ng mga magbibigay ng kapital sa iyo dahil kilalang-kilala ka naman ng mga kaibigan at kamag-anak mo, mabilis lang ang proseso ng “approval.”

Flexible terms

Madali ding mapapakiusapan ang mga kamag-anak at kaibigan sa terms ang conditions ng kapital na ibibigay sa iyo. Maari itong gawing utang na babayaran unti-unti; puwede ring maging equity share sa business na profit sharing ang usapan.

Kung anuman ang pipiliin, maganda na ito ay isulat at gawing kontrata upang maproteksuynan ang relationship at hindi mauwi sa di pagkakaunwaan.

Feelings over feasibility

Aminin natin na susuporta ang mga kamag-anak at kaibigan natin dahil gusto nilang makita tayong magtagumpay at nananaig ang emosyong ito kaysa sa tunay na pagkilatis ng iyong business idea.

Siguraduhing naiintindihan nila ang iyong business model at sabihin din sa kanila na kapag hindi sila bilib sa iyong business idea, maging tapat na sabihin ito para maiwasan ang pagkalugi o di kaya naman ay malapatan ng solusyon.

Kulang sa know-how

Madalas ang tanging dala ng mga kamag-anak at kaibigan sa iyo ay kapital lamang at hindi na sila makapagbibigay ng advice na kakailanganin sa business. Marahil ito ay dahil wala din sila talagang karanasan sa negosyong itinatayo mo at nasa ibang field ang kanilang expertise.

Humanap ng mga taong makapagbibigay sa iyo ng valuable advice para matugunan ito. Maaari ka ding mag-enroll sa mga short courses tungkol sa pagnenegosyo para magkaroon ng network.

Pros:

  • Mabilis at madali ang approval
  • Flexible terms and conditions

Cons:

  • Samahan ang basehan ng involvement, hindi ang feasibility ng negosyo
  • Kulang sa know how

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: