Ang external analysis ay bahagi ng strategic planning process upang makatulong sa pagpapatayo o pagpapalago ng negosyo. Tinitingnan nito ang mga external factors sa isang negosyo na nakaapekto sa market o customers.
May limang elemento ang external analysis para sa pagusisa ng business: political, economic, social, technology at competition.
Technology
Ang external analysis sa teknolohiya ay ang pagsusuri sa pagbabago nito na maaring makaapekto sa negosyo. Sa panahon natin ngayon, napakabilis ng mga pagbabago sa teknolohiya kaya’t maraming umuusbong at nagsasarang mga negosyo dahil dito.
Halimbawa, ang pagkakaroon ng transport nework services katulad ng Uber at Grab. Maraming mga taxi operators ang umangal dito dahil malubha silang naapektuhan ng pagdagsa ng mga probadong sasakyang nagbibigay ng mas magandang serbisyo kaysa sa mga taxi.
Dati, kapag sinabi nating tindahan, ang alam natin lahat ay ang pisikal na tindahan sa isang lokasyon. Ngayon, dahil sa Internetkapag sinabing tindahan maari itong online store lamanng at wala talagang pisikal na tindahan.
Sa katunayan, dahil sa Internet, maari kang magbenta ng produkto at serbisyo kahit saan man sa mundo.
Noong 2006, nagsimula kaming magbenta ng aming training courses sa aming website. Dahil dito, nagkaroon kami ng mga training participants galing sa Pakistan, Nigeria, Cambodia at Indonesia.
Lumipad patungong Pilipinas ang mga participants namin. Noong 2010, dahil sa pagbabago sa teknolohiya, nagsimula kaming magbigay ng online training courses.
Dahil dito hindi na kinakailangang pumunta ng Pilipinas ang aming particpants. Sa halip na magkaroon kami ng mga participants na nasa ibang bansa na kakaunti lang—mga isa hanggang lima—dahil sa mahal ng transportation cost, ngayon ay daan-daan ang aming participants na nasa ibang bansa dahil sa aming online course.
Ito ang mga maaring tingnan sa external analysis sa technology:
- Pagunlad at pagbabago sa teknolohiya at mga kaakibat nito
- Maturity ng teknolohiya
- Information and communications
- Paraan ng pamimili ng mga consumers katulad ng online/mobile commerce, payment services etc.
- Mga batas ukol sa teknolohiya
- Innovation potential
- Access, license at patent sa teknolohiya
- Intellectual property rights