Ang external analysis ay bahagi ng strategic planning process upang makatulong sa pagpapatayo o pagpapalago ng negosyo. Tinitingnan nito ang mga external factors sa isang negosyo na nakaapekto sa market o customers.
May limang elemento ang external analysis para sa pagusisa ng business: political, economic, social, technological at competition.
Social
Ang external analysis sa social environment ay sumusuri sa mga problema, pagbabago at kalakaran sa lipunan na maaring maka-apekto sa negosyo. Tinitingnan din nito ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar at kung paano aangkop ang produkto at serbisyo ng negosyo sa mga pangangailangan ng mga tao doon.
Ang modernisasyon o ang pagbabago ng pamumuhay sa traditional na pamamaraan patungo sa mas liberal na pamamaraan ay isang mahalagang pagbabago sa social environment ng Pilipinas. Halimbawa, ang pagli-live in ay hindi katanggap-tanggap noon ngunit ngayon ay hindi na ito masyadong issue.
Malaki din ang naidudulot sa pagbabago ng social environment ang pagdami ng mga naninirahan sa mga urban centers kaysa sa rural areas. Nangangahulugan itong mas sumisikip ang ating mga siydad habang kumakaunti naman ang mga taong gustong magsaka sa kanayunan.
Maraming mga business ideas ang maaring maisip dulot ng mga social changes. Ang pagpapatayo ng mga rental properties sa siyudad bilang pagtugon sa pagdami ng mga tao rito ay isang halimbawa. Kaakibat nito ay ang pagdami ng mga negosyo upang tugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga taong dumadagsa dito.
Ito ang mga maaring tingnan sa external analysis sa social environment:
- Pagbabago sa lifestyle at sa demographics
- Consumer attitudes and opinions
- Mga pananaw na lumalabas sa media – telebisyon, radyo at Internet
- Pattern ng pagbili ng mga consumers
- Ethnic and religious factors
- Pagbabago sa populasyon lalo na ng urbanisasyon
- Edukasyon at kalusugan