Ang utang ay kinakailangang gamitin sa produtibong bagay upang ito ay mapakinabangan. Kung ginamit mo ito sa ibang bagay, nagiging pasanin ito sa buhay.
Kung ikaw o may kakilala kangn baon sa utang, narito ang mga paraan upang makaahon sa pagkakabaon sa utang
Huwag nang dagdagan ang utang
Kailangang baguhin ang lifestyle kung nagkautang dahil nagamit ito pambili ng wants. Ang karaniwan kasing nangyayari, ang mga nangungutang dahil sa luho ay nahuhumaling sa utang.
Kumukuha pa ng utang sa iba para pambayad sa ibang utang.
Kung nagamit naman sa emergecy ang utang, unahin nang bumili ng insurance para sakaling dumating muli ang emergency, hindi utang ang tatakbuhan.
Ilista lahat ng utang
Dapat harapin ang katotohanan at ilista lahat ng utang para malaman kung gaano kalaki ito. Ang unang hakbang sa pagbabago ay ang pagtanggap sa pagkakamali kaya ang paglilista ng mga utang ay isang paraan ng pagharap at pagtanggap sa problema.
Sa listahan, unahing bayaran ang may pinakamalaing interest tulad ng sa five-six kasi ito ang pinakanakapagpapahirap sa buhay.
Negotiate and consolidate
Makipag-ayos o makipagtuos sa napagkautangan. Harapi sila at sabihin ang katotohanan na hindi mo na kaya ang pagbabayad lalo na kung ang dahilan ay mataas na interest.
Kadalasan ay lumalambot naman ang puso ng mga nagpapatang kung nagiging tapat ka sa kanila at nakakagawa ng mas maayos at realistic na terms of payment.
Kung maraming pinagkakautangan, maaaring maghanap ng makapagpapautang sa iyo ng mababang interest para mabayaran ang ibang napagkautangan. Sa ganitong paraan kakaunti na ang kakausapin. Ang tawag dito ay consolidation of loans.
Kung gagawin ang consolidation, tandaan na dapat huwag na itong dagdagan.
Magtipid
Unahin ang pagbabayad sa utang kaysa sa paggasta sa mga di naman kinakailangan. Ito ay magbibigay din ng magandang senyales sa mga pinagkakautangan mo na tututpad ka sa iyong pangako dahil hindi ka maluho sa buhay mo.
Increase income
Maliban sa pagtitipid, kinakailangan ding humanap ng iba pang mapagkakakitaan upang magkaroon ng pagkukunan ng pambayad sa utang. Maaari kang mag-overtime, mag-sideline o mag-negosyo nang kaunti upang madagdagan ang kita.