Ang Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno o Pag-IBIG ay ang national savings and housing program ng gobyerno. Karaniwan din itong kilala sa tawag na Home Development Mutual Fund o HDMF.
Ayon sa gobyerno, may 5.8 million housing backlogs sa Pilipinas noong 2016. Ito ay patunay na ang pabahay ay isa sa mga pangarap ng mga Filipino dahil marami ang wala nito. (Panoorin: Guide in buying a house)
Noong January 9, 2018, inilabas ng Pag-IBIG ang Circular No. 396 o ang “Modified Guidelines on the Pag-IBIG End-User Home (EUF) Financing Program” kung saan nilalaman nito ang mga updated rules, terms and conditions nito sa home loans. (Panoorin: Ang Pag-IBIG)
Pag-IBIG membership
Ang pinakaunang requirement para maka-avail ng Pag-IBIG housing loa o EUF loan ay ang pagiging active member nito. Ang ibig sabihin ng active member ay pagbibigay ng hindi bababa sa 24 monthly savings sa oras na mag-apply.
Para sa mga miyembrong kulang pa sa 24 na monthly savings requirement ay maari pa ring makapag apply sa Pag-IBIG housing loan basta’t makumpleto niya ito sa oras na mag-apply siya. Ibig sabihin, maari niyang punan ang kakulangan kapag nag-apply na siya.
Sa mga hindi pa miyembro o non-members ng Pag-IBIG, maari pa rin silang mag-apply ng Pag-IBIG housing loan. Kinakailangan lang na magbigay ang non-member ng kabuuang 24 no monthly savings requirement sa lumpsum.
Parating kasama sa pag-compute ng monthly savings ang employee at employer counterparts, kung isang empleyado.
Not older than 65 years old
Ang mga puwedeng mag-apply ay kinakailangang ang edad ay hindi lalampas sa 65 sa oras na mag-apply. Dagdag pa dito, kinakailangang hindi lalampas sa edad na 70 kapag nag-mature ang loan.
Ito ang ibig sabihin ng limit sa edad, kailangang ma-approve ang Pag-IBIG housing loan bago mag-65 years old at matatapos dapat bayaran ang ang loan bago mag-75 years old.
May legal capacity
Dapat may legal capacity o ang kapangyarihan na makabili (acquire) o takdaan (encumber) ang real estate property sa ilalim ng batas ang mag-aaply. Mahalaga itong malaman ng mga Overseas Filipino migrants o yung mga naturalized citizen na sa kanilang mga host countries.
Kumunsulta sa mga abogado kasi maaaring may epekto ito kung may balak bumili ng bahay at lupa sa Pilipinas. Dahil banyaga na ang turing sa mga nag-denouce ng kanilang Filipino citizenship, bawal silang bumili ng lupa habang banyaga pa sila. Kailangan nilang i-re-acquire ang kanilang Filipino citizenship at maging dual citizens.
Maaari silang makabili ng condominium dahil ipinapahintulot ito sa batas pero hindi sila maaring makakuha ng loan sa Pag-IBIG dahil hindi “pa” sila Filipino.
Satisfactory employment and business check
Ang nag-aaply ay dapat pumasa nang satisfactory sa background and credit investigation sa trabaho o kaya naman ay negosyo. Ito ay isinasagawa mismo ng mga kawani ng Pag-IBIG.
Dapat updated ang existing Pag-IBIG housing account
Kung may kasalukuyang account o existing account sa Pag-IBIG bilang principal buyer o borrower; o kaya naman ay co-buyer o co-borrower, kinakailangang ang account ay updated. Ibig sabihin nakakapagbayad nang sa tamang oras.
Magandang balita ito, kasi ibig sabihin, maaring makakuha ng multiple housing loans sa Pag-IBIG kung nais bumili ng ari-ariang higit sa isa.
Halimbawa, gusto mong bumili ng dalawang condominium unit. Maari itong gawin basta’t ang total loan amount ay hindi lalagpas sa PhP6 million.
Updated ang bayad sa STL
May dalawang klase ang Pag-IBIG short term loan (STL) – ito ay ang multipurpose loan (MPL) at calamity loan. Tinatawag itong short term loans dahil dapat mabayaran ang loan sa loob ng dalawang taon.
Ang MPL ay maaring gamitin sa house repair, minor home improvement, home enhancement, tuition or educational expenses, health and wellness, livelihood; at iba pa. Ang calamity loan naman ay naglalayong magbigay financial assistance sa mga Pag-IBIG members na biktima ng kalamidad sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.
Kung may multipurpose loan at calamity loan, siguraduhing ito ay updated para mapayagang mag-apply ng Pag-IBIG housing loan. Sa mga hindi updated ang bayad, hihilinging i-update muna ang inyong loan.
Walang account na na-foreclose, na-cancel, na-default o dacion en pago
Hindi dapat nagkaroon ng Pag-IBIG housing account na na-foreclose, na-cancel, na-default o sumailalim sa dacion en pago (payment in kind). Kasama din dito ang mga kasong kung saan ang borrower ay hindi na interesadong ipagpatuloy pa ang kaniyang housing account at sinurrender na ari-arias sa Pag-IBIG.
No discrimination on applicants
Ang isa sa mga magagandang balita sa bagong guidelines ng Pag-IBIG housing loans ay ang pagakaroon ng option na hindi mo kamag-anak o kaanu-ano ang puwedeng maging co-buyer at co-borrower.
Dati kasi ang maari lang na maging co-buyer o co-borrower ay ang mga kamag-anak hanggang sa second civil degree ng consanguinity o affinity.
Mahalaga ito para sa mga katulad kong miyembro ng LGBT dahil maaari na kaming makakuh ng aming partner ng Pag-IBIG loan dahil hindi kinikilala ng batas ang aming pagsasama.
Competitive na ang Pag-IBIG Housing Loans
Isang magandang balita para sa ating lahat na competitive na ang interest rate sa Pag-IBIG Housing loans. Sa aming research, kapag ang loan term ay mas mahaba sa limang taon, mas mababa ang ibinibigay na interest nito. (Basahin: Totoo bang mas mataas ang interest rate ng PagIBIG kaysa sa mga commercial banks sa housing loan?)
Nag mamatter po ba ung pag aadd ng monthly contribution sa Pag Ibig if may plan for house construction application loan? Like in my case nag add ako ng 900php voluntarily aside sa usual 100php contribution ko being an employee. Kya technically ang monthly contribution ko is 1k.
sir nais ko po sna mgloan cash f pu pwd kya. ipapatau ko sna ng aparment or house rent s amin lupain.
at my nais sna din ako saulian n lupa s hipag ko.papanu poba ako mgkapgloan ng pag ibg cash loan.tnx po s rply.s messenger nlng po.tnx
Good morning sir panu nman kung ako sana eh mag loan ng pang tatayo ko po ng boarding house panu po ang prosise sir at makaka loan po ba ako
Nag inquire ako sa Pagibig sabi ko eh renovate ko ang house namin gawin ko apartment for passive income, ang sabi eligible daw ako mag loan pero ang method nila after ma approve ang loan they will release the amount after ko nagpa construct ang with total expense ko! Parang nag pa reinburst ka lang! Tama p0 ba sir ang sinabi ng staff?
yes, tama po.