Ang rewards card o loyalty card ay isang marketing tool na ginagamit ng mga negosyo o kumpaniya na hikayatin ang mga customers na tangkilikin ang kanilang produkto o serbisyo. The goal of the business entity is to entice customers to buy more.
Market research tool
Ito ay isang paraan ng market research kung saan naakalap ng negosyo ang personal na impormasyon pati na rin ang purchasing habits ng kaniyang mga parokyano. Gagamitin nila ang impormasyong nakalap so that they can design marketing strategies and promotions for you to buy more.
Bulky wallet
Buksan ang iyong wallet at bilangin kung ilang rewards card o loyalty card mayroon ka. Tanungin ang sarili kung kailan mo huling nagamit ang mga ito.
Kung ang rewards card ay hindi mo nagamit sa loob ng nakaraang tatlong buwan, malamang hindi ka loyal sa brand o produktong iyan. Nakakapagpakapal lang ito ng wallet. Baka isipin pa ng iba na pera ang laman ng wallet mo at maging target ka ng holdaper o ng magnanakaw.
Hindi rin convenient ang pagkakaroon ng makapal na wallet. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang mga taong nangongolekta ng rewards card pero mas madalang pa sa minsan sa isang taon sila maka-redeem ng points dito.
Overspending
Kapag may rewards card ka, feeling mo nakamura o naka-discount ka, pero actually mas nabentahan ka pa. Kung tutuusin, dahil na-enganyo ka sa discount na ibinibigay nila, mas naparami ang iyong napamili kahit na hindi naman kailangan.
Privacy issues
Nagtataka ka kung bakit marami kang natatanggap na email spam? Dumadalas din ang pagtawag sa iyo ng mga di kilalang numero na binebentahan ka ng kung anu-ano.
Maaring dahil ito sa rewards card na sinalihan mo. Marahil ang pinakamapanganib na disadvantage ng pagkakaroon ng rewards card ay ang tsansang malabag ang iyong privacy.
Gagamitin ng kumpaniya ang nakalap nitong impormasyon mula sa iyo upang ma-enganya ka pang mas gumastos. Worst, maaari nitong ibenta sa third party kaya ka nakakatanggap ng maraming spam mails at cold marketing calls.
Use rewards cards carefully
May advantages at disadvantages ang paggamit ng rewards card. Kaya kailangan natin alamin kung paano ito gamitin nang tama para makaiwas at mabawasan ang mga negative effects nito.
See also:
Tamang pagpili ng rewards card upang masulit at makaiwas sa disadvantages nito
Advantages ng paggamit ng rewards card o loyalty card