Gamit ng cryptocurrency
Nagbibigay ng lifeline ang mga cryptocurrencies tulad ng Bitcoin sa mga bansang may matinding kakulangan sa pera, hyperinflation at pinagbabawal ang movement ng capital sa labas ng bansa. Halimbawa na dito ang bansang Venezuela.
Dahil sa cryptocurrencies, nagkakaroon sila ng alternatibong paraan sa pangangalakal dahil hindi nila maasahan ang kanilang sariling pera, sariling central bank at sariling gobyerno.
Dapat bang mag-invest ang karaniwang Filipino sa cryptocurrency?
Palagay ko, hindi pa napapanahon. Emphasis po ang aking opinyon sa salitang “karaniwang tao.” Ang definition ko niyan ay mga taong kumikita ng mas maliit sa isang milyong piso kada buwan.
Sa huling pagkaalala ko, wala namang shortage ng cash sa Pilipinas, mababa naman ang ating inflation at malaya naman tayong makipagkalakal saang mang bansa nating naisin. Kaya hindi natin kailangan ang isang lifeline cryptocurrency.
Dapat ka bang mag-invest ngayon?
Sa totoo lang, ikaw pa rin naman ang magde-desisyon, hindi ako.
Anu’t-ano pa man, tumaas man o bumaba ang mga cryptocurrencies, ang teknolohiya sa likod nito—ang blockchain—ang totoong gamechanger.
Safe uses of cryptocurrencies
Para sa akin, maaring gamitin ang cryptocurrencies bilang isang paraan para mag-remit ng pera at hindi para mag-invest at mag-speculate sa pagtaas ng value nito. Kinakailangang kapag ginamit ito bilang remittance platform, ipapalit kaagad ang cryptocurrency sa traditional currency sa oras na matanggap ito.
Maari ding gamitin ang cryptocurrency kung may bagay kang gustong bilhin, na hindi mo mabibili gamit ang traditional currency. Pero, magpapapalit ka lang ng traditional currency papuntang cryptocurrency, sa katumbas na halaga ng binibili mo, walang labis.
Mas maganda pa ring mag-ingat sa paggamit ng cryptocurrencies. Hindi pa handa ang lahat intindihin ito at hindi pa rin ganon katatag ang sistema upang gawing stable ang halaga nito.
Pero naniniwala ako na balang araw, darating din ang panahon na mangyayari ito. Antay lang tayo nang sandali. Huwag mainip at huwag magpadala sa labis na excitement na dulot nito.