Cryptocurrency value

Walang iisang institusyon o indibidwal ang nagtatalaga ng halaga ng cryptocurrencies tulad ng Bitcoin. Ang halaga nito ay nakabase sa kung ano ang tingin ng mga taong gumagamit nito ang nararapat na halaga nito.

Kaya kung magkaroon ng agam-agam sa pagtatalaga ng halaga ng isang cryptocurrency, maari itong bumulusok. Katulad na lamang ng Ethereum, ang pangalawang pinakamalaking cryptocurrency, noong June 22, 2017 ay bumulusok ang halaga nito mula USD317 hanggang USD0.10.

Volatile currency

Kahit na malaki ang kinikita ng Bitcoin, mas magalaw (volatile) ito kaysa sa stock market katulad ng Philippine Stock Exchange Index. Kaya, kung ganun na lang ako ka-strikto sa pagbibigay ng mga kinakailangan (pre-requisites) papasok sa stock market, mas mataas pa ang pre-requisites ko bago pumasok sa cryptocurrency investing.

Ang cryptocurrency ay hindi nagbibigay ng regular na kita sa investment tulad ng rental sa properties, dividend sa stocks at interest sa loans. Sa capital gains ka lang kikita na naka-base ang halaga sa paniniwala ng mga taong gumagamit nito.

Kikita ka lamang sa digital currency trading, kung makakahanap ka ng bibili ng iyong digital currency, sa mas malaking halaga kumpara sa pagbili mo nito. Base sa nangyayari ngayon, meron namang mga gustong bumili sa mas mataas na presyo.

Ang tanong, hanggang kailan?

Kapag may nangyaring mali sa Bitcoin o anumang cryptocurrency, wala kang matatakbuhang institusyon dahil hindi ito regulated.