was successfully added to your cart.

Cart

Dapat bang kumuha ng loan para sa appliances?

Rosario, Agusan del Sur – Ang appliances, kung hindi ginagamit sa negosyo, ay hindi kumikita. Kaya ang simpleng sagot ko dito ay hindi kung hindi gamit sa negosyo.

Sa financial literacy training na binigay ko sa aking 21 microfinance staff dito sa Rosario, Agusan del Sur, pinagusapan namin ito.

Ipinalista ko sa kanila ang kanilang mga pagkakautang sa isang debt list worksheet. Dito ko nakita na isa sa madalas nilang pinagkakautangan ay loan sa mga appliance store.

Si Gimar, isa sa mga Financial Inclusion Officers namin, ay kumuha ng appliance loan – television. Ayon sa kaniya, PhP16,000 daw ang presyo ng telebisyon at kailangan niya itong hulugan ng PhP1,400 kada buwan sa loob ng 12 buwan.

Sa unang tingin, parang puwede na, kasi 800 lang naman ang tutubuin ng PhP16,000, katumbas ng 5% per annum na interest. Pero nang tinanong ko siya kung babayaran ng cash ang telebisyon, pareho pa rin ba ang presyo.

Ang sagot niya ay hindi. Mabibili ito ng cash sa halagang PhP13,000. Katumbas ito ng 18.75% discount sa presyo ng telebisyon.

Tinanong ko si Gimar kung ano ang mas madali, ang magbayad ng loan ng PhP1,400 kada buwan, o ang magsubi o mag-ipon ng 1,083.33 kada buwan?

Ang 1,083.33 kada buwan ang sagot niya. Nasa 3,800 sana ang natipid niya kung ang pinili niya ay ang mag-save kaysa kumuha ng loan.

Dito pumapasok ang sinasabi kong, kailangan lang natin magtitiis at magpaliban nang kaunti para mag-save at makukuha din natin ang gusto natin. Sa example na ito, sa mas mura pang halaga.

Effective pa rin talaga ang paborito kong definition ng savings – na ito ay postponement of the pleasure of spending.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: