Dapat bang kumuha ng 0% installment sa credit card?

Pag-alalay sa emergency fund

Sa totoo lang, ang lahat ng credit card companies at may 0% interest rate window. Anong ibig sabihin nito?

Kapag bumili ka ngayon, ibi-bill ka pa lang ng credit card company sa statement cut-off date mo. Bibigyan ka ng due date ng credit card company kung kailan mo ito dapat bayaran. Sa credit card statement mo makikita kung kailan ang cut-off date at due date.

Mula sa panahon na bumili ka hanggangs sa due date, walang interest na tumatakbo. Kaya technically, ito ay 0% interest loan sa period na ito.

Pag dating o bago pa dumating ang due date, kailangan bayaran mo na ang credit card balance mo para siguradong hindi ka magbabayad ng interest. In fact rule ko ito sa credit card ownership, kailangang kaya mong bayaran ang buong statement balance kada buwan.

Kung hindi, you are not using your credit card properly and you do not  deserve to have a credit card.

Dahil sa 0% interest loan period na ito, maaring magamit ang credit card na pang-alalay sa panahon ng emergency.

How a credit card saved my tita’s life…

Naalala ko pa nang magamit ko ang credit card ko sa ganitong paraan noong na-ospital ang aking isang tita sa Philippine General Hospital dahil kailangan siyang ma-heart bypass. Walang pang-down sa hospital ang mga pinsan ko noon at nilapitan nila ako.

Kung tama ang pagkakatanda ko, kailangan ng PhP200,000 pang-down sa ospital. Ipinagamit ko ang credit card ko sa kanila at nangako naman silang bayaran ito sa loob ng 30 days.

When I checked the purchase date at expected due date nito, papatak ng 40 days ang 0% interest loan period. Pasok sa pangako nilang bayaran ako within 30 days.

Sa kabutihang palad, naging matagumpay ang operasyon ng aking tiyahin. Siyempre, tinupad din ng aking mga pinsan ang pagbabayad nila sa akin.

Ibinayd ko agad sa credit card ang nakuha kong pera mula sa mga pinsan ko at wala akong binayarang interest dito.

Use loans for productive purposes

Kung gagamitin ang 0% installment para bumili ng equipment o kaya naman ay imbentaryo sa business, magandang estratehiya ito. Ito kasi ay isang productive loan at siguradong may pagkukunan ng pambayad.

Iwasan ang paggamit ng credit card, kahit pa 0% installment ito, kung ang bibilhin ay wants. Always remember that its is not good to finance wants with a loan.