was successfully added to your cart.

Cart

Dapat bang kumuha ng 0% installment sa credit card?

By March 13, 2018 Loans, Savings

Usong-uso ngayon ang mga 0% installment plans lalung-lalo na sa mga credit card. Sa katunayan, ginagamit itong matinding marketing strategy ng mga korporasyon upang akitin ang mga mamimili na bumili pa nang mas marami kaysa sa kinakailangan.

Tandaan na ang trabaho ng mga bangko at mga negosyo ay para kumita sila, kaya gagawin nila ang lahat para akitin kang bumili. Isa na nga sa paraan na ginagawa nila ay padaliin ang pagbili mo sa kanila sa pmamagitan ng 0% installment.

Sana ay hindi ka nahulog sa patibong na ito.

May mga instances na maganda ang pagkuha ng 0% installment sa credit card. Ito ang mga sumusunod.

No discount for cash payments

Ang standard practice sa Pilipinas alinsunod sa guidelines ng Department of Trade and Industry (DTI) ay ang cared price ay dapat kapareho ng cash price. Sa unang tingin, may advantage kung bibili sa 0% installment, hindi ba?

Mali.

Ugaliing magtanong sa saleslady kung nagbibigay sila ng discount kapag nagbayad ng cash at hindi sa pamamagitan ng credit card. Kadalasan ay nabibigyan ako ng 3% hanggang 10% na discount.

Kung walang cash discount na ibibigay, maaring kunin ang ang 0% installment.

PERO…

Hindi ibig sabihin nito na nakakuha ka ng installment ay bibili ka ng ibang bagay. Ang tamang mindset sa pagtingin dito ay may earning potential ang dapat na ibinayad mo na sa credit card.

Ang pambayad mo ng cash ngayon ay maari mong gamiting pang-invest nang short term para kumita ang iyonng pera habang hindi pa due ang installment payments.

Ito ay applicable lang sa mga big ticket items. Kung hindi naman kamahalan ang bibilhin, mainam na i-cash na lang ito.

0% balance transfers

Isang popular na paraan ng paggamit ng 0% credit card installment ay sa pamamagitan ng balance transfers. Ang balance transfer ay ang sistema ng paglilipat ng balanse mo mula sa isang credit card company papunta sa ibang credit card company.

Ginagawa nila ito upang ang mga susunod mong credit card purchases ay sa kanila na ang punta. Dahil sa prospect of future business with you, nagbibigay ng 0% balance transfer ang credit card company.

Sa ganitong paraan, ang utang mong dati ay may malaking interest, ngayon ay wala na. May interest savings.

Pero maging maingat. Kadalasan ay promotion lamang ito at limitado ang makakakuha ng 0% balance transfer. In reality, may interest pa ring babayaran. Siguraduhing mas maliit ang babayaran na interest and fees kung magde-decide na lilipat.

Kapag ginawa ito, siguraduhing kakayaning magbayad ng monthly payment dahil maraming penalties and fees kapag na-late o pumalya sa pagbabayad.

vincerapisura.com


2 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: