was successfully added to your cart.

Cart

Dapat ba akong kumuha ng SSS?

By June 26, 2017 Insurance, News, OFW, SSS

Ang Social Security System (SSS) ay isang Government Owned and Controlled Institution (GOCC) na nagbibigay ng universal (para sa lahat) at equitable (karampatan) na social protection.

Ang mga social protection benefits na ibinibigay ng SSS ay ang mga sumusunod: retirement, funeral assistance, death benefit pension, disability pension, maternity pension at daily cash allowance sa pagkakasakit. Nagbibigay din ng serbisyong pautang ang SSS sa kaniyang mga miyembro.

May mga nagtatananong sa akin kung dapat ba silang magpa-miyembro sa SSS? Dapat daw ba nila itong ituloy? At higit sa lahat, sulit daw ba ang SSS?

Basic investment for retirement

Para sa akin, kinakailangang ituring ang SSS na pinaka-basic na investment para sa retirement. Kung ang kinikita mo kada-buwan ay hindi lalagpas sa PhP250,000, ang SSS ang una mong dapat gawing investment.

Ang retirement benefit na ibibigay ng SSS ay sigurado dahil ito ay pinamamahalaan ng gobyerno dahil ito ay GOCC. Sa aking palagay ay gagawin ang lahat ng gobyerno upang protektahan at mapanatili ng SSS ang pagbibigay nito ng serbisyo sa mga miyembro.

May mga tanong sa sustainability at pamamalakad ng pondo ng SSS tulad ng husay nitong mangolekta sa mga miyembro at ang kung kaya ng pondo nitong tustusan ang pagtaas ng minimum retirement benefit. Ngunit sa tamang pamamahala ng gobyerno, maari itong mabigyan ng solusyon.

Kaya napakahalaga na pinipili nating mabuti kung sino ang inihahalal natin sa puwesto dahil sa huli, maapektuhan ang SSS sa mga gagawin nilang programa at desisyon.

Sa aking kalkulasyon nasa 9%-27% ang annual returns o taunang kita ng inihulog na maximum kontribusyon sa SSS. Ang taunang kitang ito, na mapapakinabangan kapag tayo ay nag-retiro na, ay napakahirap hanapin sa ibang investments.

Kaya sa mga OFWs, ang payo ko ay pumunta agad sa embahada o konsulato upang ma-update o maipagpapatuloy ang pagbibigay ng kontribusyon sa SSS. Maari din itong gawin kapag nag-bakasyon sa Pilipinas.

SSS performance

 Ayon sa report ng SSS, napaigting nito ang kaniyang husay sa pangongolekta ng kontribusyon. Simula Enero hanggang Abril 2017, tumaas ang koleksyon nito sa P52B mula sa P47.5B kumpara sa parehong panahon noong 2016.

Kung maipagpapatuloy ng SSS ang ganitong performance, sa aking palagay, matutugunan nito ang karagdagang PhP1,000 benepisyo para sa mga pensioners.

vincerapisura.com


One Comment

  • Enrico Magsalos Gonzales says:

    Isa po ako sa member ng sss at patuloy ko po e2 na huhulugan hangang ngayon isa po akong OFW at sss contribution ko po every months eh 1540.00 pesos kung matapos kina po ang 120 shares contribution magkano nman po magiging pension ko pagdating ng 60 yrs old ko

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: