Maraming nagtatanong sa akin kung kailan dapat gagamitin ang cash at kailan naman dapat credit card. Sa panahon ngayon, dahil sa dinami-nami nang paraan na ma-transact ang pera, nakakalito nga naman.
Alin nga ba sa dalawa ang mas maganda?
Security
Ang isa sa mga advantages ng pagkakaroon ng credit card ay ang securty features nito. Kung manakaw o mawala ang credit card mo, mabilis mo lang itong mapa-block sa credit card company at bibigyan ka na ulit ng replacement card.
Walang nawalang pera. Kung cash naman ang nawala mo, goodbye na tayo sa pera natin.
Hindi ganun kainit sa mata ang credit card kumpara sa cash na makikita. Madaling maging target ng hold-up o kaya ng snatcher kapag maraming cash ang dala.
Pero hindi rin 100% ang pagiging secured ng credit card. Marami ding naglipanang credit card frauds kaya dapat ay ingatan pa rin ang paghawak dito. In this sense, hindi ka exposed sa credit card fraud kung cash ang gamit mo.
Interest
Kapag cash ang ginamit mo, hindi mo kailangang magbayad ng interest dahil pera mo na mismo ang ginamit mo to pay for your purchase. Samantalang sa credit card, technically hiniram mo ito at maari kang ma-charge ng malaking interest.
Magagawang parang cash ang paggamit ng credit card kung binabayaran ang buong statement balance kada buwan para hindi mapatawan ng interest. In fact, gawain ko ito ng mahigit sampung taon na.
Never have I paid a single centavo on interest on my credit card bills dahil nga binabayaran ko ang statement balance in full every due date.
Opportunity to gain
Kapag ginamit ang credit card at sinusunod ang aking rule na dapat total amount due o full statement balance ang binabayaran, maaring magamit ang panahon na hindi pa due ang bayad sa ibang bagay na maaring mapagkakitaan. Usually, nasa 30 days to 45 days ang nabibigay na panahon na hindi pa due ang credit card bill.
Sa panahon na ito, maaring mapagkakitaan ang cash muna sa ibang bagay at pagkatapos ay babayaran ang credit card balance in full.
For example, maaring ilagay mo ang cash na pambayad sa credit card habang hindi pa ito due sa isang short term time deposit o kaya naman ay ipahiram ito sa taong siguradong magbabayad. In both instances, kikita ito ng interest. You gained something.
Cash discounts
Sa kabilang banda naman, kapag cash ang ginamit sa pambili ng pucrhases mo, malaki ang chance na makakuha ng discounts sa merchant. This counters the opportunity gain sa credit card as discussed above.
Rewards points
Sa credit card din, you get reward points when you use it and this could be converted to freebies such as gadgets, appliances, travel, cash backs and many more. But you can also get the same effect when using cash. This is through enrolling in loyalty programs separately.
Admittedly, mas flexible ang credit card rewards program dahil puwede mo ipunin ang points tapos saka mo na isipin anong reward gusto mo. Sa cash, kapag specific loyalty card na ang naumpisahan mo, you have limited options.
Kung rewards points ang habol sa credit card, make sure to follow my rule in aying the total amount due every time. Mas mapapamahal ka pa sa interest na babayaaran mo kaysa sa points na na-earn mo if you don’t.
(Read: Rewards Card 101)
If you are planning to improve your credit score because you want to establish a credit line for your business o kaya naman ay kailangan mong mag-loan para sa high ticket items such a car or a house; a credit card might help you, IF you follow my “pay the total amount due” credit card rule.
You can still improve your credit score using cash. Ang credit score ay nakabase din sa kung gaano tayo kagaling magbayad ng bills. So, paying your bills on time using your cash will improve your credit score.
Kapag cash din ang ginamit, you don’t run the risk of getting yourself into bad debt.
Convenience
In my experience, mas convenient gamitin sa daily transactions ang credit card kaysa cash. Manipis lang ito sa wallet so walang umuumbok sa bulsa ko.
Madali din itong i-swipe, may mga paywave option na rin ngayon, ididikit mo lang sa terminal ang card and the transaction will go through. Pero kaunting ingat dapat dito, dahil nga super convenient, hindi mo namamalayan ang paggastos mo.
You should have a certain level of mindfulness to be able to master the art of using a credit card para hindi ka mag-overspend.
Spend less
Kapag cash naman ang dala mo, you can control your expenses because you are only limited with the amount of cash you have at hand. Unlike sa credit card na malaki ang puwedeng maggasta sa isang swipe lang lalo na kung malaki ang credit limit mo.
In fact, may mga kakilala nga ako na ang technique nila para hindi mag-overspend when shopping, especially during sale periods, they will only carry a set amount of cash and leave their credit cards at home, to avoid overspending or unplanned expenses.
Acceptability
Isa sa mga advantages ng pagkakaroon ng credit card ay magagamit ito sa online transactions. Kapag cash lang meron ka, limited ang options mo for online transaction. Yung may cash on delivery lang ang puwede.
On the other hand, may mga merchants pa rin na ang preference ay cash at hindi available sa kanila ang credit card. Malaki din kasi ang kinakaltas ng credit card companies sa kanila.
Spend wisely
May kani-kaniyang advantages at disadvantages ang paggamit ng cash at credit card. Kailangan mo itong iayon sa bibilhin mo at tingnan kung ano ang pinaka-safe, convenient at makakasulit na option.
Pero ang mas mahalaga pa ring i-prioritize ay ang paggamit natin nang tama sa pinaghirapan nating pera.