Sigurado ba kayong napupunta sa beneficiaries ang donation ninyo?
Marami sa atin ang gusto tumulong sa mga nangangailangan pero nagdududa kung mapupunta ba sa kanila ang donasyon nila. Posible man na i-abot na lang nang direkta ang gusto mong i-donate sa community na iyong pinili, hindi ito ang best action dahil:
- Mahirap sukatin kung sila ang pinaka-vulnerable o pinakanangangailangan ng tulong sa ngayon
- Mahirap malaman kung ano talaga ang kailangan nila sa ngayon, dahil aminin natin, may gap ang mundong ginagalawan natin
- Matrabaho sa oras at pera ang diretsong pagbigay sa beneficiary
Ang Shared Aid Fund for Emergency Response (SAFER Foundation) ay ang unang locally-led NGO pagdating sa disaster response. Ito ay brainchild ng Caucus of Development NGO Networks (CODE-NGO), National Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines at Humanitarian Response Consortium (HRC) para masiguradong makakarating sa communities ang immediate relief at assistance pagkatapos ng disaster.
Ang CODE-NGO ay ang pinakamalaki na coalition of NGOs na nagtatrabaho for social development, representing more than 1,600 development NGOs, people’s organizations and cooperatives nationwide.
Ang NASSA/CARITAS ay ang humanitarian, development and advocacy arm ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Binuo ito ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na may goal na tulungan ang mahihirap at marginalized.
Ang HRC ay binubuo ng 5 local organizations with a mission to provide the highest quality service to populations affected by disasters.
Mapagkakatiwalaan ninyo ang SAFER sa inyong mga donasyon dahil
- Sumusunod ang SAFER sa international standards pagdating sa assessment ng communities nasalanta para malaman kung sino ang dapat gawing priority pagdating sa response.
- May capacity ang SAFER na magsabi kung anu-ano ang kailangan ng mga communities. Kadalasan, pera ang kailangan dahil ito ang pinakamadaling i-transfer at ipamigay. Nabibigyan din ng dignidad ang mga taong nakakatanggap nito dahil sila mismo ang makakapili kung saan nila gagamitin ang pera
- May direct contact ang SAFER sa mga communities na tutulungan
- Nagbibigay ang SAFER ng report sa mga donors para malaman ninyo kung saan napunta ang inyong donasyon
Kung nais niyong magdonate sa SAFER, ito ang mga detalye:
Donate online: bit.ly/saferph
DEPOSITS CAN BE MADE DIRECTLY TO:
Bank of the Philippine Islands
Branch: Loyola Heights, Katipunan Avenue
Account Name: Shared Aid Fund for Emergency Response, Inc.
Account Number: 3081-1194-21
For confirmation of your donation, kindly send your deposit slip to saferphilippines@gmail.com
For corporate partnerships, email saferphilippines@gmail.com