Isa sa mga pangarap ng pamilyang Filipino ang magkaroon ng bahay. Nakapagbibigay kasi ito ng sense of security.
May mga mapapalad na nabibyayaan ng bahay. Pero siyempre, habang tumatagal nagdedeteriorate ito at kailangan ng repair and maintenance.
My partner and I built our dream home in 2009. Ten years na ito this year, pero naramdaman namin ang pagsipa ng repair and maintenance on the fifth year.
Last year, kinailangan na naming magpa-repaint sa buong bahay; magreapply ng water sealing sa bubong at i-check ang mga equipment para maiwasan ang biglaang pagkasira.
Hindi biro ang budget para dito. So how much should you set aside for house repair and maintenance?
Once you build a house, start saving the equivalent of 1% of the house value per year. So sa bahay na worth 1M, dapat 10,000 per year ang itinatabi mo para sa repair and maintenance.
Makakatulong ito na i-defray ang cost of repair and maintenance if and when it happens. May home improvement loan naman sa Pag-IBIG pero bakit pa kailangang mangutang kung kaya namang paghandaan, di ba?
Save ahead of time to preserve the house that you are blessed with. Or else, tiis-tiis ka na lang sa unti-unti nitong pag-deteriorate.