Linawin natin. Hindi ko sinasabing dapat hindi na pumasok sa negosyo ang mga may edad na sa negosyo. Ang sinasabi ko lamang po ay mas maiging magtayo ng negosyo ang mga bata dahil sa mga sumusunod na dahilan.
May oras pang makabawi sakaling malugi
Sakaling malugi ang kabataan sa negosyo, mahaba pa ang oras nilang makabawi kumpara sa mga retired na. Maari pa silang makapaghanap ng trabaho dahil ang katotohanan ay mas marami ang naghahanap ng kabataan bilang empleyado kaysa sa mga retirement age na.
Kung nais talagang pumasok sa business ng mga retired na, ang payo ko ay huwag itaya lahat ng inyong retirement fund sa business. Maximum 20% ng kabuuang retirement fund lamang ang ipagsapalaran.
Mas nabibigyang ng business credit ang mga kabataan
Kung titingnan ang mga policies ng mga bangko sa mga mangungutang, may age limit ito. Kadalasan kapag 60 years old and above na ay mas mahirap nang kumuha ng loan.
Risk factor kasi ang may edad para sa credit analysis ng mga financial institutions.
Time is on the side of the young
Kailangang ng lakas at sigla sa pagpapatakbo ng negosyo. Mas may stamina ang mga kabataan para ikutin ang pangaraw-araw na gawain sa pagpapalakad ng negosyo.
Kapag nagkakaedad na, totoo namang nababawasan ang ating physical energy. Tandaan na mas madaming taon na ang ginugol ng mga retired sa pagta-trabaho at dahil dito, meron tayong natural wear and tear.
Para sa akin, hindi naman talaga nangingilala ng edad ang negosyo. Pero sa mga retirement age na, kailangan lang ng ibayong pag-iingat at pag-usisa sa mga risk factors upang hindi ma-jeopardize ang pag-enjoy sa retirement.