was successfully added to your cart.

Cart

Bakit dapat gumawa ng kontrata, maski sa mga magulang mo

By December 16, 2018 Financial Literacy, OFW

May OFW na nag-message sa messenger kamailan, kabadong-kabado at hinayang na hinayang sa kaniyang naging desisyon ten years ago. Very complicated.

Hindi kasal ang kaniyang ga magulang na pagkalipas ng mahigit 20 taon ay naghiwalay. Ang tatay nila ay may bago nang pamilya.

Noong magkasama pa ang mga magulang niya, siya ang nagbabayad ng loan amortization ng kanilang bahay bilang sukli sa pagpapaaral sa kaniya. Noon pa man, alam na niyang sa tatay lang niya nakapangalan ang bahay.

Ngayon, gusto ibenta ng tatay niya ang bahay nila paa panustos sa bago nitong pamilya. Masakit para sa OFW dahil sila na nga itong iniwan, iba pa ang makikinabang sa kaniyang pinagpaguran.

Pero wala akong maibigay na payo sa kaniya kundi ang kumuha ng isang abugado at magpa-advice kung ano ang dapat gawin. Sa nakikita ko kasi, mahirap maghabol dahil hindi conjugal ang property gawa ng hindi kasal ang kaniyang mga magulang.

Kaya kahit gaano pa natin katiwala ang ating mga mahal sa buhay, ugaliin pa ring gumawa ng kontrata para sa mutual protection. Hindi natin alam ang panahon, nagbabago ang ihip ng hangin.

Sino ang magaakala na ganito ang mangyayari sa kanila, di ba?

Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kahit kamag-anak mo, ito nga sariling magulang ang nangaabuso; always put agreements on paper. Bago pa ito nangyari, dapat sana ay nagkaroon na ng kasulatan ang OFW at tatay nito na sa OFW galing ang ibinabayad, para at least may habol.

Kumbaga may loan agreement sa pagitan ng mag-ama. Puwede ring ipina-modify ang loan agreement ng tatay nila sa bangko para isama ang pangalan ng OFW dito bilang patunay na bahagi na siya sa kamay-ari ng bahay at lupa.

Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisis. Nawa ay maginng babala ito sa ating lahat.

 

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: