Season 1 Episode 2 with Sir Vince and Venus Raj
“Ohhh, anong ginagawa mo? Woah, Oh no!” gulat na gulat si Venus habang ginugupit ni Sir Vince ang isang credit card.
“Venus, pinuputol ko itong credit card na ‘to kasi marami ang nababaon sa utang dahil sa credit card.”
“Oh, no! Ok dahil baon na sa utang dahil sa credit card na ‘yan. Papaano ka ba makaka-ahon sa pagkaka-baon sa utang?”
“Ang una mong dapat gawin ay ‘wag nang dagdagan ang utang. At isang paraan niyan ay putulin ang mga credit cards.”
“Tama naman.”
“Para tumigil na talaga ang pag-utang, kailangan mo rin tingnan, kung ito ay kailangan ba o gusto mo lang? Pag ito ay wants or gusto mo lang, bawal gamitin ang utang.”
“Ok.”
“Tapos ang next na gagawin mo, kung kay Santa Klaus meron siyang listahan ng kung sino yung mga good. Ikaw naman, kung baon ka sa utang, gumawa ka rin ng listahan ng mga utang mo.”
“Ahhh.”
“Kanino ito? Magkano? Magkano yung amortization o installment? Ano yung mga interest rates? I-try mo na kausapin, subukan mong kausapin ang mga pinagkaka-utangan mo na mag negotiate ka sa kanila.”
“Oftentimes, yung mga nakikipag-usap sa akin talagang hindi na kaya nung kinikita nilang bayaran lahat nung utang. Kasi napakataas talaga nung interest ng mga binabayaran nila,” dagdag ni Sir Vince.
“So, normally I ask them, mag-negotiate kayo doon sa mga nagpa-utang sa inyo. Tapos ang una mo ring gagawin dun ay dapat ‘yung pinakamataas na interest, yun ang una mong babayaran,” pagpapatuloy pa niya.
“Ang utang ay dapat ginagamit natin sa productive purposes. Kailangan din siguraduhin na ang kinikita ay mas malaki kesa sa binabayarang interest. Kailangan mong maging conscious sa inuutang mo. Magkano yung interest? Hanggang kelan mo to’ babayaran? At kaya ba ng kinikita mo babayaran ‘yun?”
Tanong ni Venus, “Ano naman ‘yung mga warning signs, na palubog na ako sa utang?”
“Actually, ‘eto yung mga bago pa mahuli ang lahat.”
“Oo. Oo,”
“Sana Makita natin yung mga warning signs. Yung unang-unang sign d’yan ay yung mga dating bininili mo gamit cash, tapos ngayon ang gamit mo na ngayon ay umutang ka na para mabili mo yung mga ‘yun.”
“Ohhhh.”
“Warning sign ‘yan,” diin ni Sir Vince.
“Kapag din ikaw ay kumukuha ng utang pambayad para sa ibang utang. Naku, mukhang actually malalang sign na yun, no?”
“Oo. Oo.”
“Kapag ikaw ay already dipping into your savings. Kumukuha ka na sa savings mo pambayad doon sa utang, okay?”
“Oo.”
“At ang panghuli naman ay yung daily living expenses mo. Yung pang-araw-araw mo ang pangbayad mo na ay utang. Kine-credit card mo na.”
“Ahhh.”
“Pamasahe papunta sa trabaho… Nangungutang ka sa mga kapatid mo o sa mga katrabaho mo para may pang-uwi ka, yung ganyan. So, these are warning signs.”
Pagpapatuloy ni Sir Vince, “You have to take a step back at i-assess mo — Okay, something is wrong. Di ba? Tapos i-identify mo saan ka nagkamali. Itama na natin yun para magkaroon ka ng good personal finance practice.”