Hindi kayang magkubli nang matagalan
Ang mga baguhang magnanakaw o mandaraya ay hindi nakapaghahanda nang mabuti kaya hindi nila naitatago ang kanilang katiwalian nang matagalan. Ibang usapan naman ang mga bihasa at yung mga likas na balasubas.
May kasabwat
Karaniwang hindi kayang gawin ng iisang tao lamang ang mandaya o magnakaw dahil may mg achecks and balances namang ginagawa sa korporasyon o kaya ay sa negosyo. Kaya malamang, ang ginagawang katiwalian ay may kasamang kasabwat at hindi nagiisa.
Reform and reward
Sa aking karanasan, ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan ang mga nagkasala sa pagnanakaw at panadaraya ay hindi ang parusa kundi ang pagbibigay ng pagkakataong magbago at ang pagbibigay ng pabuya o reward sa mabuting gawain.