I’m sorry to disappoint, pero mali ang tanong. Ina-assume kasi ng tanong na ito na nakasalalay sa kapital ang pagtatayo ng negosyo.
Madalas matanong ito sa akin dahil nga ang karamihan naman sa mga Filipino ay hindi mayaman at limitado ang kanilang kapital para magsimula ng negosyo.
Para makapagtayo ng negosyo mula sa maliit na kapital, ito dapat ang tanungin sa sarili.
May kaya ka bang ibigay na produkto o serbisyo?
Ang puso ng negosyo ay ang produkto o serbisyo. Kinakailangang ang mga ito ay tutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mamimili.
May kakayahan ka bang magpalakad ng negosyo?
Sa maliit na kapital, hindi kakayaning magpasahod ng tauhan kaya ang aasahan na magpalakad ng negosyo ay ikaw.
Kung wala ka nito, maiging kumuha muna ng trabahong malapit sa nais itayong negosyo upang mapagaralan kung paano ito patakbuhin.
May business model ka ba para sa iyong negosyo.
Kapag ako ay gumagawa ng business model, may apat na areas akong pinagtutuunan ng pansin – marketing, human resource, operations at finance.
Marketing ay ang pagintidi sa pangangailang ng mamimili at kung papano ito matutugunan ng produkto at maipapaabot ito sa kanila. Ang human resource naman ay ang pagaalaga ng mga tauhan upang may gumanap sa mga kailangang gawin sa pagpapatakbo ng negosyo.
Ang operations naman ay ang paraan ng paggawa ng produkto o pagbibigay ng serbisyo sa mga mamimili. Panghuli ang finance o ang paghawak ng pera ng negosyo.
Good business ideas naturally attract capital
Kung mapapansin, nasa huli para sa akin ang pamo-mroblema sa kapital. Madali na kasi itong makuha kung may maayos na produkto o serbisyo, may sapat na kakayahan at kaalaman ang negosyante at feasible ang business model.
Ang lahat ng ito ay masusulat sa isang business plan.
thank you sir for this post.sir ano po insight nyo sa co ownership investment tsaka yung profit sharing condotel.thank you po
sir gusto ko pong mag business dahil malaki po ang naitulong nung book po na ibinigay nyo sa amin sisters of mary boystown
Nice. Anong business po ang balak niyong itayo?
hindi po bang masamang gawing negosyo ang pagpapautang n mababa lang ang interest
hindi po ba masama ang magpautang