Ang VUL sa Pilipinas ay isang mababang klase ng investment product na kalimitang nagbibigay ng nakapababang insurance coverage kumpara sa ibinabayad na premium. Mas kumikita ang mga insurance providers sa VUL kaysa sa term insurance kaya dehado ang mga customers. (Basahin: Bakit mahal ang VUL)
Alaming mabuti kung ano ang kailangan, insurance o investment. Kapag malinaw na, bumili ng insurance o kaya naman ay mag-invest nang hindi ito pinaghahalo katulad sa VUL. Buy Term and Invest the Difference o BTID ang tawag dito. (Basahin: Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?)
Kung isa sa ka sa mga nakakuha ng VUL, hindi pa naman huli ang lahat. May maari ka pang puwedeng gawin upang makalaya sa pagkakakadena dito. Lagi lang tatandaan na gawin ang BTID –paghiwalayin ang ang insurance at ang investment. (Basahin: Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment)
Maliit na halaga lang ang kailangan para makakuha ng life insurance protection kung term insurance ang kukunin. Ang perang pang-invest, kung hindi kukuha ng VUL, ay di hamak na mas malaki ang fund value dahil sa may karga agad ang investment fund mo.
Sa VUL, karaniwang wala halos napupunta sa investment fund mo sa unang taon at kakarampot sa susunod na tatlong taon ang madadagdag dahil sa commissions ng agents napupunta ang inibayad mo imbes na sa investmet fund mo. (Basahin: Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?)
Maraming nagsasabi na maganda daw kumuha ng VUL kasi covered ka pa din ng insurance pag lagpas ng 65 years old. Dito, kinakailangang tingnan kung kailangan mo pa ba talaga ng life insurance pagtanda mo. (Basahin: Kailangan mo ba ng life insurance pagtanda mo?)
Ang life insurance kasi ay para sa income replacement. Nangangahulugan na ito ay mahalaga kapag may dependents pa upang may panustos sa kanila sakaling mawala ka.
Sinasabi din ng mga insurance companies na maganda ang VUL para sa estate taxes. Sa TRAIN law, ibinaba na po ang estate tax to 6% samantalang itinaas na rin ang mga exemptions. (Basahin: Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?)
So kapag nakakuha na ng VUL, ano ang dapat gawin?
Convert investment-linked insurance to traditional insurance
Kausapin ang insurance agent na i-convert ang iyong VUL sa traditional o term insurance. Maging handa dahil pipilitin ka ng insurance agent mo na huwag itong gawin. Talagang tatagan ang sarili at manindigan.
May mga kakilala ako at nagsusumbong sa akin na nahihirapan silang gawin ito dahil hindi na sila papansinin ng insurance agent kapag ganito ang gagawin. Sa ganitong sitwasyon, dumiretso na sa opisina ng insurance company at doon i-convert.
Encash the VUL fund value and invest separately
Muli magpatulong sa insurance agent na gawin ito. Dito mo malalaman ang kadalasang hindi nabibigyan ng diin sa iyo noong ikaw ay magsimulang mag-inquire tungkol sa VUL. Napakalaki ng pre-termination penalties and charges sa investment mo sa VUL.
May ibang produkto naman ng VUL na sayang maliit ang inilalagay sa fund value mo kaya kahit walang pre-termination fees, maliit pa rin ang matatanggap mo. Muli ay manindigan sa iyong insurance agent na ito ang gagawin mo.
Kaya napakahalaga na kapakanan mo ang inuuna ng insurance agent mo at hindi ang kanilang commission o kaya sales target ang prayoridad. (Basahin: Paano pumili ng insurance agent upang masulit ang bawat sentimong pinaghirapan mo)
Discontinue the VUL policy
Kung walang fund value, piliing huwag nang ituloy ang pagbabayad sa VUL at gawin na lang ang BTID. Ituring na expense ang naibayad na premium para dito.
Ang tawag ko dito ay mahal na tuition fee dahil nagbayad ka nang mahal para matuto ng lesson. Huwag kakalimutan ang lesson na nakuha mo sa VUL para hindi na ito maulit.
Hi sir vince. I am still having a hard time understanding all these terms. I have in insurance in cocolife for 10 years and just started last year. Is it an example of VUL? I am an ofw and was just forced to do it.
Hello Sir Vince, nag enroll din po ako lately into VUL specifically BPI PhilAm… do you have any ideas po kung pwede ba ayusin to BITD while nasa abroad po ako? Kakasimula ko lng po sa policy… TIA
You can just opt to stop payng the premium. PERO, please get term insurance first before terminating your VUL para lang sure na may insurance coevarge ka parati.
hi kapag po ba nag mature na yung VUL pede na mawidrow yung pera? example 10yrs mo syang nahulugan then maturity date nya example 2019. kung ang monthly mo is 3K per month at ang annual is 36K ang total ba nun sa 10yrs is 360K?? buo mo bang makukuga yung 360K kung sakaling gusto mo nang i widrow ito? thanks
good day sir. paano ko pala ma papa terminate yung VUL ko? ngayon ko lang kasi na isip na liabilities sya at hindi sya asset kasi monthly ako nag babayad ng premium.. almost 1yr na po yung VUL ko? paano ko kaya mapapa terminate? kasi yung FA na kausap ko not valid daw na i downgrade ko yung VUL ko into term. kaya nawalan ako ng pag asa. 🙁 na sana kung ininvset ko nalang ito sa bonds or index may profit pa kahit papano. help me sir. TIA
Hi sir panu ung sa aki n 7years ko na nahulugan ung VUL ko advise nmn po kng tuloy ko pa ung 3years or stop ko na at antyin ko nlng n mag mature
Very good way of explaining, Sir Vince. I also have VUL and plan to do as you suggested. We really didnt understand the “repurcussions” of having VUL when we got it about 5 years ago. I also got the same lesson from two other mentors that insurance agents will always push for VUL due to the high commission. I’ve seen also articles about BTID. Now I am more convinced to really cut loss on my investment and just look for term insurance. No offense to insurance agents because it’s part of their goals to sell the VUL product of their company. Hopefully, they will also have an open mind to understand what you and other financial mentors are teaching and be objective when they provide “financial planning” to their clients.
Glad that you took action to improve your financial practices. =)
Sir Vince may VUL po ako, pero bakit pag nag a ask ako ng BTID sa 3 big insurance company parang hindi nila sinasagot nila sa akin ay UITF daw po yun. pwede po ba kayo magbigay ng company na nag o offer ng BTID
thanks po
Meron po yan. Humanap po kayo ng matinong insurance agent. Kasi talagang lahat po ng insurance companies sa Pilipinas ay may term insurance. Igiit niyo po ang inyong karapatan.
AXelerator po tawag nila. Investment + insurance
Sir Vince, sana po mai-blog nyo din ang AXA. I have a policy with them savings + investments.
Salamat po