Ano ang stock at paano ito magagamit sa negosyo at investing?
Paano kumikita ang stock?
Makalipas ang isang taon, ipagpalagay nating kumita ang ESI ng PhP1,000,000 at napagpasiyahan naming hatiin ang kita sa mga stockholders. Dahil may claim ako sa 20% ng earnings ng ESI, makakatanggap ako ng PhP200,000 bilang dividend.
Dividend ang tawag sa kita ng korporasyon na ipinapamahagi nito sa kaniyang mga stockholders. Bawat stock ko ay kumita ng PhP20. Dahil PhP100 ang halaga ng stock (stock price), 20% ang return on investment rate ng taon na iyon (20 ÷ 100 = 20%).
Sakaling hindi namin paghati-hatian ang earning at panatilihin ito sa loob ng korporasyon, ang stock price ng bawat stock ay PhP120 na. Kung gusto kong makuha na ang kita, maari ko ng ibenta ang aking stock sa korporasyon o sa ibang tao para maging pera ito.
Maari bang malugi sa stock?
Siyempre naman!
Gamitin natin ulit ang halimbawa sa itaas. Makalipas ang isang taon, hindi naging maganda ang negosyo at kami ay nalugi ng PhP500,000. Ano ang mangyayari?
Una walang dividend na ibibigay kasi walang earnings na paghahati-hatian. Pangalawa, bababa ang stock price ng stock.
Kung kanina nabanggit ko na ang pagmamay-ari ng stock ay nagkakaroon ng claim sa assets and earnings ng korporasyon, ganoon din yun sa pagkalugi (losses) ng korporasyon. Dahil 20% ang percentage share ko sa total stocks, 20% ng lugi ay tatama sa akin.
Samakatuwid, lugi ako ng PhP100,000 (PhP500,000 x 20% = PhP100,000). Bawat share ko ay lugi ng PhP10 (PhP100,000 ÷ 10,000 shares = PhP10). Kaya ang stock price ng bawat stock ay PhP90 na lang (PhP100 stock price – PhP10 loss = PhP90).
Kung ayaw ko nang sumali sa ESI, at tanggapin ko na lang ang pagalugi, maari kong ibenta ang aking stock sa halagang PhP90. Pero puwede rin namang mag-antay pa ng panahon at hayaang makabawi ang ang negosyo, tutal ay nag-uumpisa pa lang naman ito.
Ang pasya ay nasa sa akin.