was successfully added to your cart.

Cart

Ano ang stock at paano ito magagamit sa negosyo at investing?

Stock market ang unang pumapasok sa isip ng mga Filipino kapag napg-uusapan ang investing. Ito kasi ang laman ng balita dahil ito rin ang may pinaka-sistematikong paraan ng pagbibigay ng ipormasyon sa publiko.

Lalung-lalo na ngayon na ang Philippine Stock Exchange ay pumapalo sa mga record-highs, marami ang nagiging mausisa nito. Nakapagbibigay din ito ng matinding panghihinayang dahil hindi nakasali sa pagtaas nito.

Pero sa katunayan, marami ang hindi nakakaintindi kung ano ang stock market o ang isang stock. Pakiramdam ng mga tao, kapag sila ay pumasok sila sa stock market, automatic silang kikita.

Ito ay malaking kabalintunaan. Mapanganib pasukin ang stock market kung hindi handa sa kaalaman at kakayahan ang sasabak dito.

Marami ang nagbubukas ng account sa stock market na ang armas lang ay ang pag-asa na sinasamahan pa ng sangkatutak na dasal upang makasabay sa pagtaas ng stock market. Hindi ito ang tamang paraan ng pag-iinvest sa stock market.

Isinulat ko ang “Mga dapat ihanda bago mag-invest sa stock market” upang magbigay ng gabay sa mga Filipino. Makakatulong kung babasahin mo ito.

Ano ang stock?

Ang stock ay katibayan na ikaw ay kamay-ari ng isang kumpaniya o korporasyon. Tinatawag din itong share o kaya ay equity. Nagpapakita ito na ikaw ay bahagi sa mga nagmamay-ari ng korporasyon.

Stockholder o shareholder ang tawag sa mga nagmamay-ari ng stocks o shares. Bilang kamay-ari sa koporasyon, meron kang karapatan (claim) sa mga ari-arian (assets) at kita (earnings) ng korporasiyon.

Nitong Disyembre ay nagpa-plano kaming magtayo ng korporasyon ng aking kababata, si Jonas Gaffud. Kasama namin si Pia Wutzbach, dahil si Jonas ang trainer ni Pia at iba pa nilang kasamahan. Papangalanan namin itong Empire Studios, Inc. (ESI).

Siyempre kapag magtatayo ng negosyo, kinakailangan ng kapital. Imbes na kami ay mangutang sa bangko, nagpasiya kaming magtayo ng korporasyon at magbigay ng kapital dito kapalit ng stocks ng kumpaniya.

Nagpasiya kami na ang presyo o par value ng stock namin ay PhP100 kada isa. Ang kabuuang kapital na kailangan para maitayo ang negosyo ay PhP5 milyon.

Nagbigay ako ng PhP1 million bilang aking kntribusyon at ito ay nakalagay na sa bank account ng ESI. Kapalit nito, bingyan ako ng 10,000 shares of stock ng ESI na katumbas ng 20% ng kabuuang outstanding stocks.

Ang ibig sabihin nito ay may claim ako sa assets at earnings ng ESI hanggang 20% ng kabuuan nito. May hawak na ako ngayong certificate of stock na may 10,000 shares bilang katibayan.

Para legal, ang shares namin ay naka-rehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC). Ito ay isang sangay ng gobyerno na nangangasiwa at namamahala sa lahat ng korporasyon sa Pilipinas.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: