Ang revolving credit ay isang uri ng pautang kung saan automatic ang renewal nito kapag binayaran nang buo o bahagi ng loan.
Credit cards use revolving credit
By default, revolving credit ang gamit ng halos lahat ng credit card companies.
Halimbawa ang credit limit mo sa credit card ay Php100,000. Ikinaskas mo ang credit card at nag-charge ka ng halagang PhP70,000; ang natitira pa sa iyong credit limit ay PhP30,000. Ang PhP30,000 ay tinatawag ding available credit.
Nagbayad ka ng PhP10,000. Ang mangyayari, automatic na maidadagdag ang ibinayad mo sa iyong credit limit, which means PhP40,000 na ang iyong available credit limit at puwde mo na gamitin ang credit card mo up to PhP40,000 instead of the PhP30,000 before payment.
Business loans
Usually, may revolving credit feature din ang mga business loans na karaniwang tinatawag na working capital loans. But to be sure, linawin ito sa financial institution na inuutangan.
Non-revolving credit
Term loan naman ang karaniwang tawag sa non-revolving credit lines. Ang mga car loans at housing loans ay madalas na non-revolving or term loans.
Kung oobserbahan, ang mga ibinayad sa car loan o kaya ay housing loan ay hindi na puwedeng utangin o mailabas nang muli mula sa mga financial institutions na nagpautang nito.
When to use revolving credit
Kapag ang gamit ng utang ay isang going concern, ibig sabihin ay kailangan mo ito para mapaikot ang business o kaya naman ay parati namang ginagamit sa course ng iyong day-to-day activities, revolving credit ang kailangan.
Kung hindi, mas appropriate ang term loan. Sa paggamit ng tamang loan, matutugunan ang pangangailangan at maiiwasan ang pagkakabaon sa utang.
Thnks sir vins..ang dami ko ng alam..hehe.
Salamat din po.