Ang interest ang ibinabayad bilang kapalit sa paghiram sa pera. Ang interest rate naman ay ang halaga na itina-charge ng lender sa borrower na naka-base sa porsiyento ng kabuuang halaga ng pinautang (principal).
Upang mintindihan natin ang iba’t-ibang klase ng interest rate, kailangang may solid understanding tayo sa nominal at simple interest rate. Ang nominal interest rate ay ang nakasaad na interest rate sa isang kasunduan.
Ginagamit ng nominal interest rate ang simple interest rate at hindi isinasaalang-alang ang compounding period. Ang compounding interest naman ay ang interest na kinalkula base sa unang principal kasama ng mga naipong interest sa mga nakaraang takdang panahon (compounding period).
Annual percentage rate
Ang annual percentage rate (APR) ay ang kombinasyon ng nominal interest rate at ang iba pang kaakibat na gastos sa pagkuha ng utang (loan). Dahil dito, karaniwang mas mataas ang APR kumpara sa nominal interest rate.
Anu-ano ba ang mga karaniwang costs and fees kapag kumukuha ng loan?
Ito ay depende sa uri ng loan na kinukuha. Tingnan natin kung anu-ano ang mga ito sa isang home loan: appraisal fee, handling fee, notarial fee, registration fee, documentary stamp tax, mortgage redemption insurance premium at fire insurance premium.
Halimbawa, kumuha tayo ng home loan na nagkakahalaga ng PhP3,000,000 at balak natin itong bayaran sa loob ng sampung taon. Ito ang kaakibat na mga costs at fees sa loob ng sampung taon:
Idadag ang PhP161,000 na costs and fees sa interest rate na babayaran. Halimbawa ang interest na babayaran sa buong sampung taon ay PhP500,000. Ang total cost ay PhP661,000. Ito ang gagamitin sa pagkalkula ng APR.
Effective interest rate
Ang effective interest rate (EIR) ay kilala din sa tawag na annual percentage yield (APY) o kaya naman ay effective annual rate (EAR). Bukod sa lahat ng costs and fees sa loan, isinasaalang-alang ng EIR ang compounding interest.
Dahil dito, mas mataas ang value na makukuha sa EIR kaysa sa APR sa parehong loan. Habang tumataas ang interest rate at habang dumarami ang compounding period, lumalaki ang pagitan ng APR at EIR.
Alin ang gagamitin?
Kapag magkukumpara ng mga interest rates, ang unang kailangang gawin ay siguraduhing konsepto ng kalkulasyon ang ginagamit para ito ay maging comparable. Kapag compound interest rate ang ginamit, kunin ang equivalent na compound interest rate.
Sa aking karanasan sa pagnenegosyo at pag-iinvest, pinakamainam pa ring gamitin ang EIR dahil lahat ng gastos na kaakibat ay naisasaalang-alang kasama ang compounding periods. Kung hindi niyo ito kayang gawin, mabuting kumuha ng accountant upang kayo ay magabayan.