Lingid sa kaalaman ng marami, may iba’t-ibang paraan sa pagkuha ng kapital para pondohan ang isang negosyo. Mahalaga na mapili ang tamang source nito para hindi makasagabal sa pagpapatakbo nito.
Isa sa mga paraan para makalikom ng kapital para sa isang start up business ay sa pamamagitan ng angel investors. Tinatawag na angel investors ang mga mayayamang tao o kaya ang tinatawag na high net worth individuals na gustong magbigay ng pera kapalit ng pagiging kamay-ari ng iyong negosyo.
Minsan ay grupo silang gumagalaw at sama-sama silang kumikilatis ng mga negosyo pero mas madalas ay mag-isa lang nila itong ginagawa.
May malawak na karanasan at network
Karaniwang mga taong may malawak na karanasan sa pagnenegosyo at malawak din na network ang mga angel investors. Kaya bukod sa kapital na dala nila, mapapakinabangan din ang karanasan at network nito.
Marami ngang ang habol sa kanila ay hindi ang kapital kundi ang kasiguruhang magiging involved sila sa pagpapatakbo ng business at makakasali sa network niya.
Flexible business terms
Dahil hindi formal institution ang angel investors, mas madali silang mapakiusapan at mabibigay nila ang kinakailangan ng negosyo. Daanin lang ito sa maayos na pagpapaliwanag.
May “say” sila sa business decisions
Dahil sila ay kamay-ari at bahagi ng negosyo, ibig sabihin ay meron silang boses at makikialam sila sa paggawa ng business decision. Ibig sabihin nito, hindi ka na 100% in control sa iyong negosyo.
Maaari itong makasama sa negosyo mo kung aabot sa hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan ang sitwasyon. Kaya sa umpisa pa lang, maglagay na ng ground rules at delineation ng roles and responsibilities.
Malaki ang expectations sa profit
High risk takers ang mga angel investors at dahil dito, nag-eexpect sila ng mataas na returns sa kanilang investment sa iyo. Pero kapag nailatag naman ang kasunduan sa umpisa pa lang, maaari itong mapababa.
Pros:
- Valuable advice dahil may malawak na network at karanasan
- Flexible business terms
Cons:
- Hindi na 100% ang control sa business
- Malaki ang expectations sa profit