Ang Solusyon ng Maraming Pinoy sa Halos Lahat ng Problema sa Buhay

Puhunan sa negosyo

Sinisikap kong pigilin ang mga nagbabalak magsimula ng negosyo gamit ang utang. Kapag handa na ang negosyo mag-expand, maari nang mangutang. Ngunit sa simula, mas maigi na ipon ang gamitin.

Malaki kasi ang tsansa at risk na pinapasok kapag magtatayo ng bagong negosyo kaya sana ang mga nagbabalak gawin ito ay magawa nilang tanggihan ang temptasyon. Hindi sigurado ang kita sa bagong business na itatayo at maraming negosyo ang hindi nakakatagal ng isang taon.

Kung walang ipon, maari ding magtawag ng mga investors na maaring maging kasosyo sa negosyo.

Pang-bakasyon

Ang bakasyon, pinag-iipunan, hindi inuutang. Kung inutang mo ito, isipin mo na lang na hindi mo pa pinaghihirapan ang ginagastos mo e ine-enjoy mo na.

Ito ay classic na instant gratification lifestyle. Hangga’t maari, iwasan. Ituring ang bakasyon bilang reward sa sarili.

Pagpapakasal

Delikado ang buhay pinansyal ng magkasintahang mangungutang para sa kanilang kasal. Unang malaking desisyon pa lang nilang mag-asawa, ang simula ay utang.

Isipin sana nila ito, ang unang gagawin nila bilang buhay mag-asawa kinabukasan pagkatapos ng kasal ay mag-suma ng kanilang bayarin. Saklap.

Malinaw ang sagot dito, dapat pag-ipunan. Panoorin ang “financial compatibility” list video..

Pagpapagawa ng bahay

Maaring umutang sa pagpapagawa o pagpapatayo ng bahay kapag nakapagsubi na ng pang-down payment. Kinakailangang magkaroon muna ng ipon katumbas ng 20% ng kabuuang halaga ng bahay at lupa bago mangutang

Panoorin ang “Gabay sa pagbili ng bahay” para sa detalye.

Pagkakasakit

Health insurance ang tamang kinakailangang financial product bilang proteksyon sa gastusin dulot ng pagkakasakit. Sa katunayan, ang pangungutang dahil sa pagkakasakit ang isa sa mga dahilan ng kahirapan ng maraming Filipino.

Ang pinaka-basic na dapat magkaroon tayo ay PhilHealth. Sa blog post ko na PhilHealth 101, mababasa ang gabay sa at benepisyong makukuha sa PhilHealth.

Pagpapalibing

Insurance ulit ang dapat na nagbabayad sa pagpapalibing sa isang namatay. Maari din namang savings ang gamitin.

Pagdating sa insurance, marami ang nanghihinayang na hindi daw nila napapakinabangan ang premium na ibinayad nila. Iwasan ang ganitong mentalidad, bagkus ay lubusang intindihin kung paano gumagana ang isang insurance.

Dapat ituring ang premium bilang gastos. Para itong pamasahe na binabayaran sa mga panahong binibigyan ka ng financial protection.

Para maliwanagan, basahin ang “Paano gumagana ang premium na binabayaran sa insurance.

Magplano nang maaga

Walang tatalo sa paghahanda. Kaya kinakailangang magkaroon ng financial guide sa buhay. Gumawa ng financial plan.

Para matutong gumawa ng financial plan, basahin ang “Gabay sa paggawa ng financial plan.