Rosario, Agusan del Sur – Nagbigay ako ng financial literacy training sa aking 21 microfinance staff dito sa Rosario, Agusan del Sur. Ang microfinance ay ang pagbibigay ng financial services tulad ng savings, insurance at loans para sa mga mahihirap.
Dahil nagbibigay ng financial services ang aking mga staff, kinakailangang financially stable sila. Hindi kasi maganda na sila mismo ay baon sa utang, walang savings at insurance. They should lead by example to their clients.
Ang una kong in-address before ay ang kanilang kakulangan sa insurance coverage. Ang aking rule of thumb, kung may dependents, dapat may 10 years of income equivalent na life insurance benefit.
Nasa PhP10,000 kada buwan ang suweldo ng isang baguhang field staff. Mahigit isang milyon ang kailangan. Kaya kumuha ako ng group insurance para sa kanila na magbibigay ng PhP1 million life insurance coverage.
Laking gulat ko dahil inabot lang ng PhP1,620 per person per million per year ang kailangan. Nakuha namin ito sa isa sa mga sikat na commercial insurance companies, isang patunay na naman na maari talagang makakuha ng murang term insurance.
Kausapin ang inyong kumpanya kung saan kayo nagta-trabaho at hingiin ito bilang benefit sa inyong employer. Maari rin namang bumuo ng mg groups – based on your hobbies, church activities etc. – i-register ito at mag-apply ng group yearly renewable term (GYRT) insurance.
Inuulit ko, lahat ng insurance companies ay nag-ooffer nito. Pero kailangang kayo ay nakapaloob sa isang grupo o bumuo ng isang grupo.
Reading suggestions:
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Insurance 101 – mga babasahin tungkol sa tamang pag-intindi sa insurance
- Insurance better than VUL – mga babasahin tungkol sa VUL
Hi Vince, it has been 2 years since you posted this blog. Pwede mo bang ishare kung anog incurance company yan? Most of the insurance company na napagtanungan namin lately nasa range na ng 2,000 to 2,500 per annum ang premium for 1M coverage.
Ano pong life insurance company ito?
Hi, anong company name na may GYRT na 1620 / year? Interested po to join may group kmi na more than 10 dto sa Cubao Quezon City. Thank you.
halos lahat po ng GYRT ng insurance companies ay ganyan ang rate. inquire po kayo sa kanila.
Sir vince saan po maganda kumuha ng term insurrance?
Anong Insurance po ito sir?
Sir Vince, saan po maaari i-send ang Life Insurance Policy para makita niyo dahil hindi ko po masyado naiintindihan mga nakalagay doon dahil hindi naman masyado ipinaliwanag mabuti ng Agent na nag-alok noon? Tinanggalan na kasi ng license to sell and operate dahil tuluyang hindi naka-comply sa requirements ng IC. Life Insurance + Investment daw po ang Endowment Plan sabi ng Agent kaya babalik din daw ang inihulog wiyh Interest pa when matured. Sila naman itong may pagkukulang at may problem as Insurance Company. Anu po ang ang mga hakbang at pwedeng ikaso kung hindi maibalik ng buo ang premiums na hinulog? Anu po ang tinatawag na ‘Come-on’ sa isang Policy na pwede maibalik ang hinulog na premium lalo na ‘pag may halong investment daw gaya ng sabi ng mga Atty?
Ilan poh ang minimum na members ng group?
I think 10 persons ok na po.
Sir Vince, yun po bang 1,620 pesos ay per month? If so, 1,620 x 12 months = 19,440 pesos per year. Then it will be 194,400 pesos in 10 years for 1 million life insurance coverage. Tama po ba ang intindi ko? Ano pong insurance company ito?
1,620 per year.
Saan po kayo kumuha ng life insurance?