Parati akong tinatanong kung anong insurance company daw ba ang iniri-rekomenda ko na matatag at maganda. Gusto ko lang po linawin na hindi ako nagri-rikomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto.
Naniniwala ako sa kasabihang, “Give man a fish and you feed him for a day; Teach a man to fish and you feed him for a lifetime.”
Kaya, tuturuan ko kayo ng isang paraan kung papaano kikilatis ng isang matatag na insurance company. Emphasis po sa isang paraan, dahil marami pa pong ibag paraan para ma-assess ang katatagan ng isang kumpanya.
Ito ang mga impormasyon na inilalabas ng insurance commission para sa mga life insurance companies kada taon: assets, premium income, net income, net worth at paid up capital. Susuriin natin ang assets at net worth.
Mapapansin na ang mga matutunog at malalaking kumpanya ang nangunguna sa ranking ng insurance commission. Pero hindi sapat na sa laki lang tayo tumitingin.
Mahalagang tingnan natin ang mga financial statement figures sa pamamagitan ng financial ratios. Para makita ang katatagan ng isang kumpanya, ang ginagamit ko ay ang capital adequacy ratio at ang formula nito ay net worth / assets.
Pinapakita ng capital adequacy ratio kung gaano kalaki ang equity o kapital mayroon ang isang kumpanya kumpara sa kaniyang mga ari-arian o assets. Habang mas malaki ang kapital, mas matatag.
Ito ang aking nakita na Top Ten insurance company in the Philippines based on capital adequacy ratio. Nagulat ako sa lumabas dahil hindi kasama ang mga kilala at malalaking insurance companies sa top ten.
Uulitin ko lang na hindi po ito pagi-endorso. Ito lang po ay analysis na ginawa ko base sa simpleng impormasyon na readily available sa website ng insurance commission.
Mas makabubuting gamitin ang risk based capital adequacy ratio para dito pero hindi available ang information na ito sa website ng insurance commission. Kung mayroon kayong impormasyon ukol dito, iparating po sa akin.
Sir Vince nag join ako sa Family First Inc. (2003), then napalitan ng Danvil (as of 2008), 9th Floor Tower 2 the Enterprise Center, 6766 Ayala Ave cor. Paseo De Roxas, Makati City 1200….Tel. 7551521… Gusto ko pong malaman kung existing pa po ito kasi ang maturity date po ng insurance sa Novembe 30 2018. Now, I can not locate their address and unable to contact them anymore, kindly favor if you have any information for this company, or probably they have now new name. Thank you for your help…
Sir Vince anong company PO ba pasok sa top 10 insurance company?? Nakakatakot nman Yan sir..kasisimula ko palang kumuha Ng healthcare with insurance na po yan..Salamat PO SA reply