was successfully added to your cart.

Cart

Bonds: Ang isa sa pinaka-secure na investment vehicle na dapat mong pasukin

By January 29, 2018 Uncategorized

Kung balak mong pumasok sa stock market pero nalaman mong hindi pa puwede dahil nung nabasa mo ang “Mga dapat ihanda bago mag-invest sa stock market” ay hindi ka pa pala handa para dito, ang next best option mo ay mag-invest sa bonds.

Ang bond ay isang uri ng debt instrument na ini-issue ng gobyerno at mga korporasyon para may panustos sila sa kanilang mga proyekto. Ang umuutang (borrower) ay tinatawag na bond issuer na karaniwang ang gobyerno o mga korporasyon. Samantalang ang nagpapautang (lender) ay tinatawag namang bondholder.

Ang pag-utang sa bangko ay tinatawag na financial market. Samantalang ang pag-utang gamit ang bonds ay tinatawag naman na capital market.

Government bond at corporate bond

Sa Pilipinas, may dalawang klase ng bond – government bond at corporate bond.

Kapag ikaw ay nag-invest sa government bond, ibig sabihin nito, pinautang mo ang gobyerno, na maari niyang gamitin para sa kaniyang mga proyekto at serbisyo publiko tulad ng pagpapagawa ng daan, paaralan, tulay at iba pa. Tinatawag din na T-Bills, treasury bills, treasury notes at retail treasury bills ang government bond.

Kung corporate bond naman ang binili mo, ibig sabihin nito, pinautang mo ang isang korporasyon at maari niyang gamitin ito para magpatayo ng bagong planta o bumili ng bagong equipment. Tinatawag din na long term commercial papers ang corporate bonds.

Bond terminologies

Kung intiresado kang mag-invest sa bonds, kinakailangan mong maintindihan ang mga ginagamit na salita kapag nagi-invest dito.

Par value – tinatawag din itong face value, ito ang halaga ng pera na matatanggap mo sa maturity date ng bond.

Coupon rate – ito ang halaga ng pera na matatanggap mo sa bawat panahon hanggang sa mag-mature ang bond. Kadalasan ito ay quarterly o kaya naman ay yearly.

Maturity date – ito ang panahon na isasauli na ng bondi ussuer ang par value sa bond holder.

Withholding tax – halaga ng tax na babayaran ng bondholder na kinakaltas ng bondissuer at ibinibigay ng direkta sa gobyerno.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: